|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Delfin Lorenzana, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, na alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi lalahok ang Pilipinas sa ensayong militar ng ibang bansa sa South China Sea (SCS).
Ito aniya ay para maiwasan ang paglala ng maigting na situwasyon sa karagatang ito.
Sinabi ni Lorenzana, na palagiang iginigiit ng Pilipinas ang paglutas sa kaukulang hidwaan sa mapayapang paraan, at inaasahan ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyon sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Agosto 5, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang posisyong ito ng panig Pilipino ay muling nagpapakita ng pagtahak ng Pilipinas sa landas ng nagsasariling patakarang panlabas.
Ipinakikita rin nito aniya ang komong hangarin ng mga bansa sa rehiyong ito sa paghahanap ng kapayapaan at pagpapasulong ng kaunlaran.
Diin ni Wang, tinatangka ng ilang bansa sa labas ng rehiyong ito na guluhin ang situwasyon sa South China Sea at likhain ang tensyon.
Hindi makakatanggap ng pagkatig ang mithiing ito mula sa mga bansa ng timog silangang Asya,dahil ito ay taliwas sa kanilang mithiin, aniya pa.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |