|
||||||||
|
||
Kaugnay ng muling paninirang-puri kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa Tsina, tinukoy nitong Huwebes, Agosto 13, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa kasipisan ng Cold War at sariling kapakanang personal, paulit-ulit at walang batayang binabatikos ni Pompeo ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina.
Maraming beses na aniyang inihayag ng panig Tsino ang solemnang paninindigan ukol dito.
Saad ni Zhao, ang pagpuna sa mga pananalita ni Pompeo ay pag-aaksaya lamang ng oras.
Ayon sa ulat, sa kanyang talumpati sa panahon ng pagbisita sa Czech Republic nitong Miyerkules, sinabi ni Pompeo na kumpara sa Rusya, mas malaki ang banta ng paraan ng pangangasiwa at pagkontrol ng CPC. Bukod dito, binatikos niya ang mga patakaran ng Tsina sa mga isyung gaya ng paglaban sa pandemiya, isyung may kinalaman sa Hong Kong, Xinjiang at South China Sea.
Bilang tugon, sinabi ni Zhao na saan man pumunta si Pompeo, ikinakalat niya ang political virus at pekeng impormasyon.
Napapanahon nang gawin ng Embahada ng Tsina sa Czech ang pagdisimpekta tungkol dito.
Sa pamamagitan ng mga mamamahayag, tanong ni Zhao kay Pompeo: nakakatulog ka pa ba ng mahimbing sa kabila ng iyon mga kasinungalingan?
Diin ni Zhao, tiyak na mabibigo ang tangka ng mga taong gaya ni Pompeo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |