Ayon sa datos na isinapubliko nitong Huwebes, Agosto 20, 2020 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon, umabot sa 423.65 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng direktang pamumuhunang di-pinansiyal ng Tsina sa ibang bansa. Ito ay mas mababa ng 2.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ngunit matatag na sumulong ang kooperasyong pampamumuhunan ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road." Lumaki ng 28.9% ang halaga ng pamumuhunan nito kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, napakabilis na lumaki ang pamumuhunan ng Tsina sa ilang larangan ng nasabing mga bansa.
Salin: Lito