|
||||||||
|
||
Nitong Miyerkules, Agosto 26, 2020, nagpadala ng mga liham na pambati sa isat-isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, kaugnay ng pagbubukas ng taon ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ng dalawang bansa.
Diin ni Xi, bilang mga malaking responsableng bansa na may mahalagang impluwensiya sa larangan ng siyensiya't teknolohiya, dapat sundin ng Tsina at Rusya ang tunguhin ng panahon, pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga siyentipikong mananaliksik at sirkulo ng siyensiya't teknolohiya ng kapuwa panig sa iba't ibang antas at larangan, at gawin ang mas malaking bagong ambag para sa pagpapasulong sa reporma ng sistema ng global governance at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Saad naman ni Putin, ang inobasyon sa siyensiya't teknolohiya ay isa sa mga larangang may pinakamalawakang prospek ng kooperasyon ang Rusya at Tsina.
Ito aniya ay hindi lamang magpapasiya sa kinabukasan ng pag-unlad ng dalawang bansa, kundi makakaapekto rin sa pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng kanilang mga mamamayan.
Taos pusong inaasahan ni Putin ang matagumpay na pagdaraos ng taon ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya at walang humpay na pagpapasagana ng komprehensibo, estratehiko't kooperatibong partnership ng Rusya at Tsina sa bagong panahon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |