Ang kasalukuyang taon ay ika-19 anibersaryo ng pagpapalabas ng September 19, 2005 Joint Statement ng Six-Party Talks.
Ipinahayag nitong Biyernes, Setyembre 18, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kabila ng maraming pagbabago na nagaganap sa situwasyon ng Korean Peninsula nitong ilang taong nakalipas, mayroon pang mahalagang katuturang pampatnubay ang mga hangarin, prinsipro, at ideya na itinakda sa nasabing magkakasanib na pahayag.
Ipinagdiinan ni Wang na ang 2005 Joint Statement ng Six-Party Talks na sinusugan noong Setyembre 19 ay natamong malaking bunga sa proseso ng pagpapasulong ng iba't-ibang panig ng kalutasang pulitikal ng isyu ng Korean Peninsula. Ito ay milestone, aniya.
Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magsikap kasama ng iba't-ibang kaukulang panig upang patuloy na makapagbigay ng ambag sa pagsasakatuparan ng pangmagatalang kapayapaan sa Korean Peninsula at rehiyong Hilagang Silangang Asyano.
Salin: Lito