|
||||||||
|
||
Magkakasamang itinaguyod nitong Sabado, Setyembre 26, 2020 ng Tsina, United Nations Department of Economic and Social Affairs (UNDESA) at United Nations Development Programme (UNDP) ang virtual conference sa mataas na antas hinggil sa pag-ahon mula sa kahirapan at South-South Cooperation.
Ito ay pinanguluhan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na nahaharap ang iba't ibang bansa sa napakalaking tungkulin ng paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagpapatatag ng kabuhayan, at paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Kaya, dapat aniyang palakasin ng mga umuunlad na bansa ang pagkakaisa at pagtutulungan, at patuloy na makapit-bisig tungo sa landas ng pag-unlad.
Para rito, iniharap ni Wang ang apat na mungkahi:
Una, dapat magkasamang pangalagaan ang nukleong katayuan ng 2030 UN Agenda for Sustainable Development.
Ika-2, dapat magkasamang isakatuparan ang pinakamahalagang target ng pagpawi ng pinakamahirap na situwasyon.
Ika-3, dapat magkasamang pagtagumpayan ang pandemiya ng COVID-19.
At ika-4, magkasamang galugarin ang kasiglahan ng South-South Cooperation sa bagong panahon.
Samantala, positibo naman ang reaksyon ng iba't ibang kalahok na panig sa mungkahi ng panig Tsino.
Inihayag din nila ang pagtanggap sa mga mahalagang hakbangin at mungkahi na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang serye ng mga pulong sa mataas na antas bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |