|
||||||||
|
||
gnm20131006
|
October 6, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung may problema man, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat sa mga sumusunod sa kanilang walang-sawang pagbibigay ng moral support sa Serbisyo Filipino: Poska ng poskadot610@hotmail.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Manny ng manny_feria@yahoo.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; at Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch.
Salamat din kina Irish ng Shunyi, Beijing, China; Candy ng Cebu City, Philippines; Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China; Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore; at Nympha ng Olongapo City, Zambales. Natanggap ko na ang inyong text messages at babasahin ko ang mga iyon maya-maya.
Young celebrity, balik basurahan daw! Iyan ang latest chika ni Super DJ Happy. Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa APEC Economic Leaders Meeting
23rd ASEAN Summit
Sabi ni Mel San Juan ng Ermita, Manila: "Sana masamantala ni Pangulong Aquino ang 23rd ASEAN Summit at Apec Economic Leaders Meeting para mapabuti ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Tsina at mga bansang ASEAN. Alam ng lahat na naapektuhan ang relation na ito ng maritime dispute."
Sabi naman ni Roselle Lim ng West Coast Way, Singapore: "Maraming nagsasabi na mabuti na lang hindi natuloy ang paglusob ng Amerika sa Syria. Sasamantalahin daw kasi ng mga terrorist group ang pagkakataong iyon para isagawa ang kanilang masamang balak sa bansang iyon."
Andy Lau
Sabi naman ni Celesti Kowloon, Hong Kong: "Ang hinahangaan kong Hong Kong film and song artist ay si Andy Lau. Hindi ko alam kung bakit giliw na giliw ako sa mga pelikula niya at kung bakit hindi ko pinagsasawaan ang mga kanta niya."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
THAT YEAR
(XU WEI)
Narinig ninyo si Xu Wei sa kanyang awiting "That Year," na lifted sa album na may katulad na pamagat.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ilang texters.
Sabi ni Irish ng Shunyi, Beijing, China: "Thanks a lot for the encouragement, Kuya Ramon. Talagang ang Gabi ng Musika ay programa ng bagong pag-asa."
Sabi naman ni Candy ng Cebu City, Philippines: "Ang ganda ng inyong transmission ay depende sa lagay ng panahon. Pag talagang maganda ang lagay ng panahon pwedeng 4-3-4. Kung hindi naman, 3-2-3."
Temple of Heaven
Sabi naman ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Para sa akin, ang isa sa pinaka-majestic sites dito sa Beijing ay ang Temple of Heaven. Ito ay nag-iwan sa akin ng hindi mabura-burang impression."
Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "No worries, pare! 100 % ang suporta ng buong tropa ng M/V Aldavaran sa inyong language service—siyempre lalo na sa programang Gabi ng Musika."
Isang Grupo ng mga Musikero sa Beijing
Sabi naman ni Nympha ng Olongapo City, Zambales: "Maraming magagawa ang mga musikero natin para madagdagan ang kita nila. Dapat lang maging resourceful at creative sila."
Thank you sa inyo. Maraming-maraming salamat. Salamat talaga.
WONDERFUL TONIGHT
(ERIC CLAPTON)
Iyan naman si Eric Clapton at ang isa sa mga pinasikat niyang awiting "Wonderful Tonight." Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "Eric Clapton Live at Hyde Park."
Ngayon, alamin naman natin ang latest movie chika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |