|
||||||||
|
||
September 29, 2013 (Sunday)
gnm20131006.m4a
|
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat kina Winston ng Sucat, Paranaque; Rolly ng Guadalupe, Makati City; Butch ng Subic Bay Port (Subic, Zambales); Cindy ng Olongapo City, Zambales; at Alice ng Ayala Avenue, Makati City. Natanggap ko na ang inyong mga mensaheng pambati para sa Pambansang Araw ng Tsina at babasahin ko ang mga ito sa pagpapatuloy ng ating programa.
Isang artista raw ang inoperan ng kalahating milyon para sa ibang trabaho pero hindi nito tinanggap. Si Super DJ Happy na lang ang magpapaliwanag kung sino itong aktor na ito at kung ano iyong ibang trabaho. Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.
Bigyang-daan natin ang mga piling mensahe sa gabing ito.
Sabi ni Manny Feria ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Magandang halimbawa ang ipinakita ng U. S. at Russia sa paglutas sa issue ng chemical weapons ng Syria. Sana, tularan iyon ng ibang bansa."
Sabi naman ni Dr. George ng Nakar, San Andres: "Huwag na nating kuwestiyunin ang batas ng Amerika na nagpapahintulot sa mga bulag na magdala ng baril. Dumaan naman iyon sa mga pagdinig na pampubliko."
Westgate Mall sa
Sabi naman ni Charlene ng Aguinaldo Highway, Imus, Cavite: "Ang nangyari sa Westgate Mall sa Kenya ay malaking palaisipan sa akin. Bakit may mga tao na gustong manakit o pumatay nang ganun-ganun lang?"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
Narinig ninyo si Jolin Tsai sa kanyang awiting "Paradise," na hango sa collective album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us.
Si Jolin Tsai ay hindi lamang isang mang-aawit, kundi pole dancer
Narito ang ilan sa mga bating pang-National Day na natanggap namin nitong nagdaang ilang araw.
Sabi ni Winston ng Sucat, Paranaque: "A very happy National Day sa Serbisyo Filipino at sa lahat ng mga kaibigang Chinese diyan sa Beijing. Ito ang magandang time para mag-unwind!"
Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Aagahan ko ang bati ko sa inyo. Mahirap na. Baka makalimutan ko pa. Maligayang Pambansang Araw sa Filipino Service at sa lahat diyan sa Mainland China and elsewhere."
Sabi naman ni Butch ng Subic Bay Port: "Sa pagdiriwang ninyo ng Pambansang Araw, huwag ninyong kaliligtaan ang mga natamong tagumpay ng China ngayong taon. Marami iyan at ang ekonomiya, kalakalan at teknolohiya ay ilan lang."
Sabi naman ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "Mabuhay kayong lahat diyan sa CRI Filipino Service at gayundin naman sa mga Chinese dito sa atin at sa iba pang lugar ng mundo sa okasyon ng ika-64 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina."
Sabi naman ni Alice ng Ayala Avenue, Makati City: "Ipinaaabot ko ang mataos kong pagbati sa mga mamamayang Tsino sa kanilang pagdiriwang ng National Day. Please enjoy the holiday break. You deserve it."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
WE BELONG
(TONI GONZAGA)
Toni Gonzaga sa awiting "We Belong," na hango sa collective album na pinamagatang "You Are the One."
Ngayon, alamin naman natin ang latest movie chika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
>>>Blog ni Kuya Ramon
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |