|
||||||||
|
||
gnm20131013
|
October 13, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat kina May ng Metro Manila, David Evangelista ng Bulacan, Claire Santos ng Angeles City, Sarah Samudio ng Makati at Perlita ng Beijing. Babasahin ko ang inyong text messages as we go along.
Nagmana nga ba ng kateklasan ang isang mabigat na personality sa kanyang nakababatang kapatid na popular na TV host? Alamin natin ang kasagutan sa tanong na iyan mula kay Super DJ Happy. Abangan ang balitang artista sa huling bahagi ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Pagbisita ni Premier Li Keqiang sa Brunei, Thailand at Vietnam
Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Ang pagpunta ni Premyer Li Keqiang sa Brunei, Thailand at Vietnam ay diplomacy in action. Sana tularan ito ng ating mahal na lider at ng mga iba pang lider na Aseano. Kailangan natin ng effective diplomatic strategy lalo na sa kasalukuyang kalakarang pandaigdig."
Political Hullabaloo ng Democrats at Republicans sa U.S.
Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "Itong political hullabaloo ng Democrats at Republicans sa U. S. ay nakakapinsala hindi lang sa karaniwang mamamayang Amerikano kundi maging sa mga mamamayan ng maliliit na bansa na tulad ng Pinas. Dapat isa-isang-tabi nila ang interes ng kani-kanilang mga partido at harapin ang interes ng mga mamamayan sa loob at labas ng U. S."
Sabi naman ni Jeffy Sumilhig ng Mandaue City, Cebu: "Hi! I'm back! Mula nuon hanggang ngayon, kahit napaka-busy ko sa training ko ngayon, hindi ko malilimutang makinig sa inyong programa. Sana po ay makatrabaho ako sa hotel dito sa amin nang sa ganun, kapag may experience na po ako, maari na po akong mag-work abroad lalo na diyan sa Tsina malapit sa inyong istasyon. Kuya Ramon, malapit na po ang birthday ko ngayong ika-27 ng buwang ito. Don't forget to greet me on air. I'm proud to be a CRI listener. Keep it up."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
LOVE BIRDS
(F. I. R.)
Narinig ninyo ang F. I. R. sa kanilang awiting "Love Birds," na lifted sa album na pinamagatang "Unlimited."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Tunghayan naman natin ang text messages na natanggap namin nitong nagdaang linggo.
Cyclone sa India
Sabi ni May ng San Juan, Metro Manila: "Dinadaanan tayo ng bagyo, as we speak, pero mas grabe pa ata dumaraan sa India--cyclone."
Sabi naman ni David Evangelista ng San Ildefonso, Bulacan: "Sa tingin ko ang dapat parusahan sa magkakasunod na pagdating ng migrant boats sa Italy ay ang human traffickers."
Sabi naman ni Claire Santos ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga: "Hindi ko alam kung ano ang ipinagmamalaki ni Pnoy noong dumating siya galing sa APEC meeting. Nabago ba ang relation natin sa China at ASEAN?"
Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer Center Makati: "Siyempre hindi
niyo masisisi ang China kung mag-alala ito dahil sa nangyayari sa U. S. ngayon. Ito ang biggest creditor ng U. S."
Sabi naman ni Perlitla ng Shunyi, Beijing, China: "Lahat kami dito sa Shunyi concern sa health mo, Kuya Ramon. Take good care of yourself always. Matulog
ka nang maaga at kumain nang marami."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
KASI NAMAN
(NIKKI GIL)
Iyan naman si Nikki Gil sa kanyang version ng awiting "Kasi Naman." Ang track na iyan ay buhat sa collective album na pinamagatang "Hotsilog."
Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat--Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |