Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Smog, hindi lamang sa Beijing

(GMT+08:00) 2013-10-28 13:50:57       CRI

Ang polusyon sa hangin na dulot ng smog ay isang malubhang hamon na kinakaharap ng Beijing. Pero ang naturang hamon ay hindi lamang kinakaharap ng Beijing, kundi maging sa ibang mga lugar.

Noong ika-21 ng Oktubre, ang bilang ng PM2.5 sa Harbin, punong lunsod ng lalawigang Heilongjiang sa dakong Hilaga-silangan ng Tsina, ay umabot sa 1000 na napakataas batay sa istandard ng panganib na itinakda ng World Health Organization (WHO). Dahil dito, pansamantalang isinara ang mga paaralan, paliparan at pambansang lansangan sa Harbin para maiwasan ang masamang epekto sa kalusugan ng mga mamamayan at masiguro ang pampublikong kaligtasan mula sa polusyon sa hangin.

Bukod sa Harbin, ang smog ay nakaapekto rin sa mga lugar sa dakong Hilaga-silangan ng Tsina. Halimbawa noong ika-22 ng Oktubre, ang bilang ng PM2.5 sa lunsod ng Changchun, isa pang malaking lunsod sa dakong Hilaga-silangan ng Tsina ay umabot sa 601 na doble sa istandard ng panganib na itinakda ng WHO.

Kumpara sa Beijing, mas mahaba at mas malamig ang taglamig sa mga lugar sa dakong Hilaga-silangan ng Tsina. Ang naturang panahon ay hindi nakakabuti sa pagkalat ng mga emisyon sa hangin. Bukod dito, ang uling ay pangunahing enerhiya na ginagamit para magkaloob ng init sa nasabing lugar sa taglamig. Kaya ang mga emisyon na binuga nito ay magdulot ng pagtaas ng bilang ng PM2.5 at ibang polusyon sa hangin.

Kasabay nito, palagiang sinusunog ng mga magsasaka ang mga damo sa taglamig. Ang abo mula dito ay nagpapataas din ng bilang ng PM2.5 sa nasabing lugar.

Kasunod ng pagsisimula ng taglamig, lumilitaw ang ganitong kalagayan ng polusyon sa hangin sa mga lugar, hindi lamang sa dakong Hilaga-silangan, kundi maging sa dakong timog ng Tsina na gaya ng lalawigang Jiangsu, Zhejiang, Hunan at Sichuan.

Kaya masasabing ang isyung ito ay nagiging isang malawak na hamon na kinakaharap ng mga pamahalaan sa iba't ibang lugar. Pero hindi ito isyung madaling lutasin.

Halimbawa ang isyu ng pagbuga ng emisyon ng mga kotse. Kung lilimitahan ang bilang ng mga kotse, ito talaga ay makakatulong sa pagkontrol sa pagbuga ng emisyon, pero hindi ito nangangahulugan ng pagpawi ng emisyon. Bukod dito, ang pagpapaunlad ng pampublikong transportasyon ay hindi nangangahulugan na kapalit ito ng paggamit ng mga kotse.

Sa kabilang dako, ang industriya ng kotse ay isang mahalagang bagay sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan at kasunod ng pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, lumalaki rin ang pangangailangan nila sa pagbili ng kotse para mapadali ang kanilang paggalaw.

Ang isa pang kahirapan sa paglutas ng isyung ito ay ang nagkakaibang kalagayan sa pagitan ng iba't ibang lugar ng Tsina. Halimbawa sa Beijing, kung saan napakalaki ng populasyon at ang mga may kinalamang isyu hinggil dito ay nagdudulot ng malubhang presyur sa pangangalaga sa kalidad ng hangin. Sa dakong Hilaga-silangan ng Tsina, ang napakalaking bolyum ng karbon na ginagamit para magkaloob ng init sa loob ng mga gusali at pamamahay ay nagdaragdag ng bilang ng pagbuga ng emisyon sa hangin.

Sa katotohanan, ang pagpoprodyus at konstruksyon na dulot ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ay pangunahing presyur sa pangangalaga sa kalidad ng hangin. Kaya iniharap ng pamahalaang Tsino ang pagbabago ng estruktura ng kabuhayan para lutasin ang nasabing isyu. Pero dapat itakda muna ang isang aktuwal at pangmatalagang plano na maaring puwersahin ang pagsasagawa ng mga may kinalamang departamento para isagawa ang mga hakbangin para lutasin ang isyung ito. Kasi ang isyu ng polusyon sa hangin ay hindi malulutas sa loob ng maiksing maiksing panahon at nangangailangan ito ng napakaraming pagsisikap.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>