Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Ang ugnayan sa pagitan ng mga pasyente at doctor sa Tsina

(GMT+08:00) 2013-12-09 12:48:35       CRI

Kung makikita ninyong may nakatalagang mga pulis sa ospital dito sa Tsina, huwag kayong matakot o mausisa kung ano ang nangyayari, ito kasi ay dahil kailangan ng mga doctor at nars ang proteksyon ng mga pulis para mapigilan ang pag-atake ng mga pasyente. Sa ilan lugar ng Tsina, tensyonado ang ugnayan sa pagitan ng mga doctor at pasyente na tila sila'y magkaaway.

Noong ika-25 ng Oktubre ng taong ito, pinatay ng isang tao ang isang doctor sa ospital ng lunsod ng Taizhou ng lalawigang Zhejiang. Ang mamamatay-tao ay pasyente minsan ng naturang pinatay na doctor noong 2012. Naramdaman niya na hindi nalunasan ang kanyang sakit, pero ang konsultasyon ng mga ospital sa iba't ibang lugar ay nagpapakita na gumaling na siya.

Dalawang pulis na itinatalaga sa ospital ng lunsod ng Taizhou ng lalawigang Zhejiang

Nagpapatrolya ang dalawang pulis sa ospital ng lunsod ng Taizhou ng lalawigang Zhejiang

Ang nabanggit na trahedya ay hindi iisang kaganapan sa Tsina. Nauna rito, naganap minsan ang mga kaso ng pag-atake ng mga pasyente sa mga doctor at nars dahil naramdaman nila na hindi mainam ang paglunas mula sa ospital.

Samantala sa kabilang dako, madalas na naiuulat ng mga media ang mga bagay na gaya ng pagtanggap ng mga doctor ng ampao, pagtanggi ng mga ospital sa paglunas sa mga may sakit na hindi kayang magbayad, at pagbebenta ng mga doctor ng mga mamahaling medisina.

Sa ganitong kalagayan, sino ang dapat umako ng responsibilidad sa ganitong tensyon sa pagitan ng mga doctor at pasyente?

Bago isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong taong 1978, ang lahat ng mga ospital at mga organisasyong medikal ay ari ng estado at kaunti lang ang ibinabayad ng mga mamamayan sa pagpapagamot, dahil may malaking subsidy ang pamahalaan sa aspektong ito.

Hanggang sa kasalukuyan, kasabay ng pag-unlad ng kondisyong medikal ng Tsina kumpara noong mahigit 30 taong nakaraan, tumataas din ang gastusin ng mga mamamayang Tsino sa gamot. Hindi lamang ito may kinalaman sa pagtaas ng presyo ng lahat ng mga bagay dito sa Tsina at kakulangan sa subsidy ng pamahalaan sa isyung medikal, kundi maging sa pagiging komersyal ng mga ospital at organisasyong medikal. Ibig-sabihin, kahit ang lahat ng mga ospital ay ari ng estado pa rin, dapat kumita ang mga ito para makabayad sa benepisyo ng mga doctor at nars, pagbili ng mga pasilidad at ibang mga gastusin na lampas sa budget na itinakda ng pamahalaan.

Sa ganitong kalagayan, gusto ng mga mamamayang Tsino na tanggapin ang magandang pagtrato sa ospital at pababain ang presyo ng mga gamot at serbisyong pangkalusugan, pero sa kabilang dako naman, ang paraan ng pagdaragdag ng kita ng ospital ay pagtaas lamang ng presyo sa paglunas sa mga may sakit na kinabibilangan ng gamot, pasilidad at ibang mga may kinalamang serbisyo. Ang naturang pagsasalungatan sa pagitan ng mga pasyente at ospital ay malubha sa kasalukuyang Tsina dahil maliit ang subsidy ng pamahalaan sa mga ospital at organisasyong medikal. At dahil dito, ang mga pagbatikos at kawalan ng kasiyahan ng mga pasyente sa ospital ay madalas na nababaling sa mga doctor at nars.

Bukod sa kulang na subsidy ng pamahalaan, narito ang isa pang dahilan kung bakit may tensyon sa pagitan ng mga doctor at pasyente. Ito'y dahil sa lumalaki ang agwat ng kondisyong medikal sa pagitan ng mga lunsod at kanayunan, at sa pagitan ng mga malaki at maliit na ospital.

Sa ilalim ng kalagayang ito, nagtitipun-tipon ang napakaraming pasyente sa mga malaking ospital sa lunsod na lumampas sa katanggap-tanggap na antas nito, dahil maganda ang kondisyong medikal dito. Pero kasabay nito, hindi kayang ipagkaloob ng ospital ang maayos na serbisyo para sa bawat na pasyente. At saka madaling nagaganap ang korupsyon para makakuha ng magandang serbisyong medikal.

Sa kabilang dako, kasunod ng proseso ng pagsasalunsod dito sa Tsina, dumarami nang dumaraming tao ang pumapasok sa mga lunsod para mamuhay at magtrabaho. Ito rin ay nagpapalala sa di-balanseng pagbabahaginan ng mga yamang medikal sa lunsod at kanayunan, sa malalaking ospital at maliliit na ospital. Dahil dito, madaling nagaganap ang mga pagsasalungatan sa pagitan ng mga doctor at pasyente, at saka madali rin ang paglalala ng ganitong pagsasalungatan.

Kumpara sa naturang pangkalahatang kalagayang pangkalusugan dito sa Tsina, ang mga pasyente at doctor, maski ng mga ospital ay maliliit na bagay at walang sapat na puwersa sa pagpapabuti ng kalagayang ito. Para sa pamahalaang Tsino, kahit pinapasulong nito ang market economy at pagganap ng pamilihan ng sariling papel sa mga larangan, pero tulad ng alam ng lahat, hindi kayang lutasin ng pamilihan ang lahat ng mga isyu at mayroon ding papel at responsibilidad ang pamahalaan, lalo na sa paglutas ng mga isyung pinagmamalasakitan ng mga mamamayan, halimbawa, ang nabanggit na isyu ng ugnayan sa pagitan ng mga doctor at mga pasyente.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>