|
||||||||
|
||
20131215ernestblog
|
Pagkaraan ng "Single's Day Sale" noong ika-11 ng Nobyembre, muling nagsagawa ng isa pang sale ang mga e-commerce shop na gaya ng Taobao.com. jd.com at amazon.cn noong ika-12 ng Disyembre. Bukod dito, lagi ring nagsasagawa ng sale ang mga e-commerce shop tuwing sasapit ang kanilang anibersaryo; mga katutubo at kanluraning pestibal na gaya ng Spring Festival, at Araw ng mga Puso; at maski sa mga espesyal na araw na nilkha lamang ng mga netizens, tulad ng nabanggit na Single's Day. Noong araw walang ganitong pagdiriwang sa Tsina. Nagmula ang Single's Day sa numerong 11.11 na nangangahulugang Nobyembre 11. Ito ay parang apat na single person, at saka kasunod ng paglikha ng mga bagong salitang pang-internet dito sa Tsina, ang Single's Day ay tinatanggap ng patuloy pang dumaraming tao, lalo na ng mga batang Tsino.
Kaya kung bibilangin ang mga araw ng sale sa internet, mayroong di-kukulangin sa isang beses tuwing buwan. Pero tunay na mura ba ang mga paninda ng mga e-commerce shop kapag nag-sale sila?
Dahil sa pagpupunyagi ng pamahalaang Tsino, masasabing liban sa iilang napakahirap na lugar, mayroon nang internet ang halos lahat ng mga lugar ng Tsina. Dahil dito, mayroon nang pagkakataon ang mga Tsino na bumili ng mga paninda sa pamamagitan ng internet kahit gaano kalayo ang mga shop na nagbebenta ng mga ito.
Bukod pa riyan, mas mababa ang presyo ng mga paninda ng e-commerce shop kaysa sa ibang mga tindahan, supermarket at department store. Kaya parami nang paraming Tsino ang bumibili sa pamamagian ng internet. Mas marami ring pagpipilian sa mga internet shop, at mas madaling makita ang mga gustong paninda: ibig-sabihin, hindi kailangang gumugol ng maraming oras ang mga tao sa pamamasyal sa iba't ibang department store para mahanap ang mga panindang gusto nila.
Dahil diyan, mabilis na umuunlad ang industriya ng e-commerce dito sa Tsina, at kasabay nito, lumalakas din ang kompetisyon ng mga e-commerce shop.
Mura ang kanilang mga paninda at mas mababa ang kanilang mga gastusin sa upa ng tindahan, tubig at koryente kumpara sa ibang mga tradisyonal na tindahan. Hindi rin kailangan ang masyadong maraming staff. Ang kailangan lang nilang gawin ay kumuha ng magandang feedback sa kanilang mga suki para hikayatin ang mga bagong mamimili.
Sa katotohanan , mayroon ding bayarin ang mga e-commerce shop. Ito naman ay hindi binabayaran ng mga tradisyonal na tindahan. Una, ang bayarin sa paghahatid ng mga paninda sa mga kostumer; at ikalawa, ang bayarin sa website kung saan tumatakbo ang mga e-commerce shop.
Sa kalagayang ito, mahirap talagang pababain ng mga e-commerce shop ang presyo ng kanilang mga paninda; at sa kabila nito, dapat humikayat pa sila ng mas maraming mamimili para kumita.
Sa katotohanan, ang nasabing mga sales ay ginagawa dahil sa dalawang dahilan. Una, itinataon ang mga ito sa pestibal na dapat bumili ng regalo ang mga tao at maghandog para sa mga panauhin. Sa panahong ito, ang presyo ng mga paninda ay hindi ang unang bagay na isinaalang-alang ng mga tao, kasi dapat talaga silang mamigay ng regalo. Ang isa pang dahilan ay dapat maibenta agad ng mga shop ang lumang paninda para makapagbenta ng mga bagong paninda.
Sa kasalukuyan, nagiging mas mabilis ang ritmo ng pamumuhay ng mga tao sa lunsod. At gusto nilang bumili ng mga paninda sa internet kasi mas maiksi ang oras na ginagastos nila. Dahil dito, bihira nilang ihambing ang presyo ng mga paninda kung tunay na nga bang mas mura ang mga ito kapag may sale. Bukod dito, kapag araw ng sale, ang ilang umano'y na napakamurang paninda ay ibinibenta sa isang website lamang. At kakaunting tao ang maaaring makaalaala sa presyo nito noong nagdaang taon.
Dito sa Tsina, may isang tradisyonal na kasabihang "ang mga nagbebenta ay laging mas matalino kaysa sa mga mamimili." Sa katotohanan, sa panahon ng internet, nagiging mas mahirap para sa mga mamimili ang pagkuha ng impormasyon hinggil sa mga paninda. Pero ayos lang kung bibili ang mga tao ng kanilang gustong paninda sa katanggap-tanggap na presyo.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |