|
||||||||
|
||
Kamakailan, ang Dongguan, isang lunsod sa lalawigang Guangdong sa dakong Timog ng Tsina ay naging tampok ng usap-usapan ng lipunang Tsino, dahil isinagawa ng pamahalaang lokal ang mahigpit na pagbibigay-dagok sa prostitution doon.
Ang Dongguan ay isang lunsod na kilala sa industriya ng pagpoproseso at manufacturing kung saan nagtatrabaho ang halos sampung milyong migrant workers. Ito rin ay itinuturing na "sex capital" ng Tsina dahil sa mayabong na industriya ng sex trade at mga may kinalamang serbisyo. Ang sex trade ay naging isa sa mga pangunahing industriya roon.
Kumpara sa mga katulad na naunang aksyon sa Dongguan, ang nabanggit na pagbibigay-dagok sa prostitution ay mas mahigpit na nakaapekto sa halos lahat ng mga hotel at mga entertainment place. Bukod dito, nag-ulat din ang mga pangunahing media dito sa Tsina, na gaya ng CCTV at Xinhua News Agency, ng aksyon ng pamahalaang lokal para katigan ang pagbibigay-dagok sa prostitution, hindi lamang sa Dongguan, kundi sa ibang lugar ng Tsina.
Ang sex trade ay mahigpit na ipinagbabawal dito sa Tsina. Kahit mayroong ganitong serbisyo sa mga lunsod ng Tsina, ito ay pinapalakad sa paraang low-key, dahil nagkakaisa ang atityud ng pamahalan, media at mga mamamayang Tsino sa mahigpit na pagtutol sa prostitution.
Pero ang nasabing insidente sa Dongguan ay nakatawag ng salungat na reaksyon sa mga social meida na gaya ng Sina Weibo at Wechat kumpara sa atityud ng mga pangunahing media. Ang mga netizen ay nagpapakita ng kanilang pag-unasa sa nasabing sex trade.
Bakit nagkaiba ang atityud ng mga mamamayang Tsino sa insidente ng Dongguan? Dahil kumpara sa pagbibigay-dagok lamang sa prostitution, pinag-uukulan ngayon ng mas maraming mamamayang Tsino ang mga bagay na gaya ng pinag-uugatan ng labis na pag-unlad ng sex trade sa Dongguan, sino ang dapat umako ng responsibilidad sa isyung ito, at paano lulutasin ito?
Ang Dongguan ay isang bagong sibol na lunsod dito sa Tsina, na dulot ng proseso ng pagbubukas ng Tsina sa labas. Sapul noong 1980s, dumarami nang dumaraming mangangalakal mula sa Hong Kong, at Taiwan ang pumarito para itayo ang mga pabrika ng pagpoproseso at manufacturing.
Sa kasalukuyan, halos sampung milyong migrant worker ang nagtatrabaho sa Dongguan at karamihan sa kanila ay lalaki. Bukod dito, namumuhay din sa Dongguan ang mga mangangalakal na galing sa ibang mga rehiyon na gaya ng Hong Kong at Taiwan, pero hindi kasama ng kanilang mga asawa. Kaya naman lumaki ang pangangailangan para sa sex trade.
Sa kabilang dako, ang Dongguan ay isang lugar na kulang sa mga yamang panturista at pangkultura. Ibig-sabihin, bukod sa industriya ng pagpoproseso at manufacturing, ang industiya ng hotel at entertainment ang tanging paraan para hikayatin ang mga pamumuhunan at pasulungin ang konsumo. Kaya ang simpleng estrukturang pangkabuhayan ng Dongguan ay nagpapasulong din ng pag-unlad ng sex trade sa lokalidad.
Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Dongguan simula noong 1980s, mahigit 30 taon na rin ang kasaysayan ng sex trade rito at nagiging masagana ang industriyang ito sa kabila ng mga pagbibigay-dagok ng pamahalaan. Kung ganoon, sino ang dapat umako sa kalagayang ito?
Mukhang hindi mabisa at maayos ang mga katugong hakbangin ng pamahalaang lokal sa isyung ito. Noong 1950s, napawi sa kabuuan ng pamahalaang Tsino ang sex trade sa pamamagitan ng puwersahang pagpapasarado ng lahat ng mga bordello. At sa ilalim ng sistema ng planned economy noon panahong iyon, itinuro ng pamahalaang Tsino ang ibang mga kakayahan sa mga sex worker at ipinagkaloob ang pagkakataon ng trabaho para maigarantiya ang kanilang maayos na pamumuhay. Bukod dito, ang mga sex worker noong panahong iyon ay itinuturing na isang bahagi ng oppressed classes at hindi tumatanggap sa diskriminasyon ng lipunan.
Pero nagkakaiba ang kalagayan ngayon dito sa Tsina. Unang una, hindi nagbibigay ang pamahalaanang sapat na pagkakataon ng trabaho para sa naturang mga sex worker, lalo na sa kasalukuyang maigting na kalagayan ng hanap-buhay. Sa kabilang dako, ang mga sex worker ngayon ay palagiang pinapatawan ng malubhang presyur, dulot ng pagpuna ng lipunan.
Kaya ang nasabing insidente sa Dongguan ay nagpapakitang dapat gamitin ng pamahalaang Tsino ang mas maayos na katugong hakbangin upang malutas ito, sa halip na pagbibigay-dagok sa prostitution lamang ang pagtuunan ng pansin. Sa kabilang dako, sa patuloy na paglawak ng low-key pagtakbo ng sex trade sa mga lugar ng Tsina pero low-key, ano ang pangmatagalang katugong hakbangin? ito ay isa pang mabigat na tungkulin para sa pamahalaang Tsino sa hinaharap.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |