Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Xi's Time

(GMT+08:00) 2014-01-27 09:38:22       CRI

Sa katatapos na pulong ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), si Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ay naging Tagapangulo ng Council of State Security ng Tsina, isang bagong organo para pabutihin ang pambansang sistema at estratehiyang panseguridad at pangalagaan ang pambansang katiwasayan.

Dahil dito, si Xi Jinping ay naging kataas-taasang Puno ng dalawang bagong organo na itinatag batay sa resolusyon ng ika-3 Sesyon Plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng CPC. Ang isa pang organo ay ang Central Leading Group for Comprehensive Reform na nagtatakda ng mga plano at patakaran ng reporma sa mga sistema ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, kapaligirang ekolohikal, at konstruksyon ng CPC, at namumuno sa lahat ng mga gawaing reporma sa buong bansa.

Kumpara sa ibang mga katulad na working group ng CPC, ang nabanggit na dalawang organo ay nagtatampok, hindi lamang sa isang aktuwal na isyu na gaya ng agrikultura, Tibet, at Taiwan, kundi maging sa mga komprehensibong isyu, ibig-sabihin, ang naturang dalawang organo ay maaaring gumanap ng papel na may mas malawak na saklaw.

Bukod dito, ang Central Leading Group for Comprehensive Reform ay binubuo ng 4 na miyembro ng Standing Committee ng CPC. Ang Council of State Security ay binubuo din ng 3 miyembro ng Standing Committee. Ito'y nagpapakita na mas mataas ang antas ng naturang dalawang organo kumpara sa ibang mga pambansang organo ng CPC at siyempre, mayroon itong mas malaking impluwensya sa mga may kinalamang isyu.

Sa kabilang dako, ang naturang dalawang organo ay nakakatulong sa pagpapabuti ng umiiral na sistemang pulitikal ng Tsina. Kasi bago itatag ang naturang dalawang organo, wala pang espesyal na organisasyon para isaayos at kooridinahin ang mga relasyon at suliranin sa pagitan ng mga departamento ng pamahalaang Tsino at CPC.

Halimbawa sa diplomasya, mayroong Ministring Panlabas dito sa Tsina pero samantala, ang mga Ministri na gaya ng Komersyo, Kultura at Pambansang Depensa, ay mayroon ding mga departamento nito para sa mga suliraning panlabas. Sa ilalim ng umiiral na sistemang pulitikal, pantay ang katayuan ng naturang mga ministri at walang kapangyarihan ang Ministring Panlabas sa naturang mga departamento.

Kaya kapag naganap ang mga isyung panlabas, halimbawa sa isyu ng teritoryo at hidwaang pangkabuhayan, mabagal ang reaksyon ng mga gawain ng pamahalaang Sentral hinggil dito, kasi kulang ang mabisang tsanel para koordinahin ang mga katugong hakbangin sa pagitan ng mga may kinalamang ministri.

Sa mga isyung panloob, mayroon ding ganitong kahirapan. Kasunod ng pag-unlad ng Tsina, nagiging masalimuot ang kalagayan ng mga isyung panlipunan at palagiang may kinalaman ang mga ito sa mga ministri. Halimbawa ang mga isyu ng media, at kaligtasang pampubliko. Noong dati, ang naturang mga isyu ay hinawakan ng mga espesyal na departamento, pero ngayon, kailangang lumahok ang mas maraming departamento para lutasin ang mga isyung panlipunan.

Masasabing ang naturang dalawang organo ay makakatulong sa pagpapadali ng pag-uugnayan sa pagitan ng mga departamento ng pamahalaang Tsino at CPC para mabisang makatugon sa mga isyu sa loob at labas na bansa.

Sa ilalim ng kalagayang ito, mas malaki ang papel ni Xi, bilang puno ng naturang dalawang organo, kaysa dating lider na si Hu Jintao, sa mga isyu na gaya ng kabuhayan at pambansang depensa. Ito ay dahil kinakaharap ni Xi ang mas malaking hamon sa mga isyu sa loob at labas na bansa na gaya ng teritoryo, sustenableng pag-unlad ng kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Noong dati, ang istandard sa pagtaya kung nalulutas ng isang lider Tsino sa mga pambansang suliranin ay ibinabatay sa dalawang bahagi, isa ay ang kaniyang kakayahan at ang isa pa ay ang kaniyang impluwensya.

Ang impluwensiya ay galing sa dalawang bagay: karanasan at tagumpay. Halimbawa, Si Deng Xiaoping ay hindi minsan nanunungkulan bilang kataas-taasang lider ng CPC at pamahalaang Tsino, pero kaya niyang lutasin ang isyung pangkabuhayan at panlipunan ng Tsina noong panahong iyon at ipinasiya niya ang landas ng pag-unlad ng Tsina. Dahil siya ay may pinakamalaking impluwensiya sa Tsina. At ang kanyang impluwensiya ay galing sa mayabong na karanasan at tagumpay sa kasaysayan ng pag-unlad ng CPC.

Pero ang ganitong kalagayan ay hindi kayang gayahin ng mga lider ngayon sa Tsina. Ang karera ng mga kasalukuyang lider ay sumunod sa itinakdang proseso ng CPC sa pagpili at paghirang ng mga opisyal. Ibig-sabihin, kung maisasakatuparan nila ang mga target, dapat sila umasa sa puwersa ng sistema sa halip ng sariling impluwensiya lamang.

Kaya ang naturang dalawang organo ay nakatugon, hindi lamang sa pagsisikap ng CPC para makatugon sa mga hamon sa loob at labas na bansa, kundi maging sa pag-unlad ng sistemang pulitikal ng Tsina patungo sa istandardisasyon. Siguro hindi pinakamabilis ang proseso ng naturang mga organo sa paghawak ng mga isyu, pero ito'y makakatulong sa pag-iwas ng mga malubhang pagkamali kung isang tao lamang ang magpapasiya para lutasin ang maraming suliranin.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>