|
||||||||
|
||
ernestblog
|
Bagong taon at bagong simula, kahit anumang bunga ang natamo noong nagdaang taon, walang duda, gusto ng bawat Tsino na maging mas maganda ang kanilang pamumuhay sa taong 2014.
Unang una, umaasa ang mga mamamayang Tsino na mapapanatili ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Dahil ito'y nangangahulugan ng pagkakataon para lumaki ang kanilang kita at hanap-buhay. Bukod dito, ito rin ay paggarantiya ng sapat na pondo ng pamahalaan para sa konstruksyon ng mga imprastruktura at serbisyong pampubliko na may mahigpit na ugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Isang taon pa lamang ang pamamahala ng bagong liderato ng Tsina at nasa inisyal na yugto ang pagsasagawa ng mga itinakdang hakbangin at reporma. Kahit mainit na tinanggap ang mga reporma noong nagdaang taon, sa taong 2014, patuloy ding pag-uukulan ng pansin ng mga mamamayang Tsino ang reporma ng pamahalaang Tsino sa kabuhayan at ibang mga larangan kung makakaabot ang naturang mga hakbangin at reporma sa inaasahang target.
Halimbawa ang ginawang hakbangin sa pagpawi ng polusyon sa hangin, ayon sa itinakdang target, bababa ng 25% ang kabuuang bolyum ng PM2.5 hanggang sa taong 2017. Pero sa katapusan ng taong 2013, nanatiling malubha pa rin ang kalagayan ng polusyon sa hangin at lumawak din ang saklaw ng mga lugar ng Tsina na naapektuhan ang polusyon sa hangin. Kaya sa taong 2014, ang isyung ito ay magiging isa sa mga pangunahing gawain ng pamahalaang Tsino.
Sa katotohanan, simple ang mga hangarin ng mga mamamayang Tsino, halimbawa, manatiling malusog at masaya ang sarili at mga kamag-anak, magkaroon ng bahay at sapat na pera para sa pamumuhay pero hindi kailangang masyadong marami. Pero kung iipunin ang lahat ng mga hangarin ng mga Tsino, ito rin ay magiging napakalaking target at gawain para sa pamahalaang Tsino.
Halimbawa ang isyu ng kalusugan. Kailangan ng anumang tao ang ligtas na pagkain, tubig at hangin para sa kanilang kalusugan at kung may sakit, dapat siyang pumunta sa ospital.
Dito sa Tsina, ang mga isyu na gaya ng kaligtasan ng mga pagkain at polusyon sa tubig at hangin ay mga mainit na isyung panlipunan na wala pang kalutasan. Walang duda, hindi nakakaapekto ang naturang mga isyu sa buong bansa, pero, nananatili pa rin ang mga nakatagong banta na dulot ng mga ito para sa kalusugan ng mga mamamayang Tsino.
Pero sa kabilang dako, hindi simple ang mga dahilan kaya humahantong sa ganitong kalagayan ang naturang mga isyung panlipunan. Bukod sa kakulangan sa pangangalaga sa kapaligiran, ang normal na emisyon at pangangailangan sa pag-unlad ng kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayang Tsino ay isa pang dahilan na may kinalaman sa naturang mga isyu.
Kaya dapat kilalaning malaki talaga ang kabuuang bolyum ang normal na pangangailangan ng pamumuhay ng 1.3 bilyong populasyong Tsino sa mga yamang likas. At ito rin ay nagdudulot ng malubhang presyur sa mga gawain ng pamahalaang Tsino.
Nitong 2013, naganap ang ilang marahas na insidente kung saan pinatay ng mga pasyente ang doctor. Ito'y nagpapakita ng maigting na ugnayan sa pagitan ng mga pasyente at doctor sa ilang lugar ng Tsina. Pero sa kabilang dako naman, ito rin ay may kinalaman sa malaking agwat ng mga yamang medikal sa pagitan ng mga lunsod at kanayunan, at sa pagitan ng mga lalalaki at maliit na ospital.
Sa likod ng nabanggit na isyu, mayroong mga may kinalamang isyu na gaya ng pagbabago ng sistemang pangkalusugan ng Tsina noong mahigit 30 taong nakaraan, pagiging komersyal ng industriya ng serbisyong pangkalusugan at pagtaas ng pangangailangan ng mga mamamayang Tsino sa serbisyong pangkalusugan.
Bukod sa isyu ng kalusugan, mayroon din ibang mga isyung panlipunan dito sa Tsina na gaya ng edukasyon, pabahay, kita at hanap-buhay. At masasabing bilang isang malaking bansang may 1.3 bilyong populasyon, masalimuot ang kalagayan ng anumang isyung panlipunan dito sa Tsina.
Sa simula ng bagong taon, gusto ng lahat ng mga mamamayang Tsino na maging mas maganda ang kanilang pamumuhay, at umunlad nang malaki ang bansang Tsina sa bagong taon. Kahit hindi madaling lulutasin ang naturang mga isyung panlipunan, kung mapipigilan ang paglala ng naturang mga isyu at mapapabuti ang mga may kinalamang kalagayan, masasabing magiging mas maganda naman ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at ito rin ay makakatulong sa pag-unlad ng bansa sa bagong taong 2014.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |