Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Mga isyu sa Tsina na hindi nalutas sa taong 2013

(GMT+08:00) 2013-12-30 20:42:33       CRI

Sa papalapit na bagong taong 2014, masaya talaga ang atmospera dito sa Tsina para salubungin ang bagong taon, at walang duda, natamo ang malaking progreso ng Tsina sa taong 2013 sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, at siyensiya. Pero kung magbabalik-tanaw sa mga pangyayari dito sa Tsina sa taong 2013, naiwan pa rin ang mga mainit na isyung panlipunan na wala pang kalutasan at may mahigpit na ugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Ang mga isyu na gaya ng korupsyon, kita, pabahay at kalusugan ay laging ikinababahala ng mga mamamayang Tsino nitong ilang taong nakalipas. Pero sa taong ito, ang paunang isyu na ikinababahala ng mga Tsino ay ang kaligtasan ng mga pagkain at malinis na hangin.

Noong huling dako ng Mayo ng taong ito, natuklasan sa lalawigang Guangdong ang mga bigas na mayroong Chromium na lumampas sa ligtas na istandard. Ang naturang mga bigas ay ipinaprodyus sa lalawigang Hunan. Pero hanggang sa katapusan ng taong ito, inaalam pa kung sino ang nagpoprodyus ng naturang mga bigas, tinutuklas pa rin kung nasaan ang nagbebenta ng naturang mga bigas, at kung sino ang bumili ng mga bigas, wala pang mga balita hinggil dito.

Bukod dito, ang isyu ng polusyon sa hangin ay unti-unting nakaapekto, hindi lamang sa dakong Hilaga ng Tsina, kundi sa dakong Timog ng bansang ito kung saan bihirang nakikita ang ganito kagrabeng kalagayan sa loob ng mahabang panahon. Ibig-sabihin, kahit isinapubliko noong unang dako ng taong ito ng pamahalaang Tsino ang aktuwal na plano para lutasin ang isyung ito, pero hanggan sa katapusan ng taong 2013, lumawak ang mga lugar ng Tsina na naapektuhan ng korupsyon sa hangin. Ibig-sabihin, ang kalusugan ng dumaraming mamamayang Tsino ay naapektuhan ng polusyon sa hangin.

Ang naturang dalawang insidente ay bahagi lamang sa mga isyung panlipunan na pinag-uukulan ng pansin ng mga mamamayang Tsino. Pero ang isyu ng pagkain at hangin ay mahalaga at may pinakamalapit na ugnayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan. Sa kabilang dako, hindi ito madaling malulutas sa lalong madaling panahon.

Halimbawa ang isyu ng kaligtasan ng pagkain, mula sa nabanggit na kaso, nakita ang iba pang mga may kinalamang isyu na gaya ng polusyon sa lupa at tubig, kulang sa mahigpit na pagmomonitor sa proseso ng pagpoprodyus at pagbebenta, at walang matinding kaparusahan sa mga may-kagagawan.

Bukod sa polusyon, ang isyu ng kalidad ng hangin ay may kinalaman din sa pagbuga ng emisyon na may kinalaman sa pag-unlad ng kabuhayan at pamumuhay ng 1.3 bilyong populasyon ng Tsina. Kung ganoon, mahirap talaga ang maayos na pagkontrol sa kabuuang bolyum ng emisyon.

Sa taong 2013, ang salitang Chinese Dream ay napakapopular sa mga mamamayan at ang reporma ng pamahalaan sa iba't ibang mga larangan ay nakatawag ng mainit na pansin ng lipunan. Kasi gusto ng bawat na Tsino na maging mas maganda ang kanilang pamumuhay.

Bukod dito, kapansin-pansin ang mga natamong bunga sa pag-unlad ng kabuhayan at siyensya na gaya ng pananatili pa rin ng mabilis na paglaki ng GDP at matagumpay na paglunsad ng Tsina ng lunar rover na "Yutu" at lunar lander na "Chang'e-3.

Pero ang naturang natamong bunga ay hindi nangangahulugan ng paglutas sa naturang mga isyung panlipunan at walang duda, hindi mawawala ang mga ito sa bagong taon. Sa katotohanan, kung hindi buong sikap na lulutasin ang naturang isyu sa malapit na hinaharap, siguro magiging mas malubha ang kalagayan ng mga isyung ito. Para sa pamahalaang Tsino, ang mga isyung may kinalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan ay kasinhalaga sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>