Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tsina, pinahigpit ang paglaban sa korupsyon

(GMT+08:00) 2014-01-13 10:21:39       CRI

Walang duda, ang paglaban sa korupsyon ay palagiang mainit na isyung pinag-uukulan ng pansin ng mga mamamayang Tsino. Ito rin ay isang malaking hamon para sa pamahalaang Tsino at Partido Komunista ng Tsina (CPC), naghaharing partido dito sa bansang ito.

Sa katatapos na taong 2013, isinagawa ng CPC at pamahalaang Tsino ang mahigpit na hakbangin para mapawi ang korusyon. Ayon sa datos, 11 ministro at gobernador ang inalis sa kanilang puwesto dahil sa korupsyon. Bukod dito, pinarusahan din ng CPC at pamahalaang Tsino ang mahigit 6000 opisyal batay sa mga may-kinalamang tadhana. Ito ay palatandaan ng determinasyon ng bagong liderato ng Tsina sa pagpawi ng korupsyon. Samantala, ito rin ay nagpapakita ng malubhang kalagayan ng korupsyon na kinakaharap ng Tsina sa kasalukuyan.

Ang taong 2013 ay ang unang taon pagkatapos ng manumpa sa tungkulin ng bagong liderato ng Tsina. Kahit kinakaharap ng Tsina ang mga hamon sa pag-unlad ng kabuhayan, reporma sa pulitika, at pangangalaga sa pambansang katiwasayan, nagbigay pa rin ang bagong lideratong Tsino ng maraming enerhiya sa paglutas ng isyu ng korupsyon.

Si Wang Qishan, Kalihim ng Central Discipline Commission ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), organo ng CPC na namamahala sa paglaban sa korupyon. Binigyang-diin niya sa pulong ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na dapat panatilihin ang mahigpit na gawaing pagpawi ng korupsyon.

Unang una, mas aktibong isinagawa ng CPC at pamahalaang Tsino ang pagsusuperbisa sa mga isyu ng korupsyon. Halimbawa, ginawang mas malaya ang gawain ng Central Discipline Commission ng Partido Komunista ng Tsina, organo ng CPC na namamahala sa paglaban sa korupyon, sa pagsusuri sa mga gawain ng mga opisyal ng Tsina para labanan ang korupsyon.

Bukod dito, ang paglaban sa korupsyon ay nagtampok, hindi lamang sa panunuhol at paglustay ng pondo, kundi maging sa mga kilos ng mga opisyal na lumalabag sa mga tadhana ng CPC at pamahalaan. Halimbawa, ang paggugol ng mga pondong pampubliko na lumampas sa itinakdang budget na gaya ng pagbili ng mga mamahaling kotse, pagsasagawa ng bangkete at pagbibigay ng subsidy.

Sa pamamagitan ng mga aktibong hakbangin, pinasulong din ng CPC at pamahalaang Tsino ang pagsunod ng mga opisyal sa mga itinakdang tadhana para mapigilan ang pagkaganap ng korupsyon. Ito ay isang bagong katangian ng mga gawain ng bagong liderato ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa korusyon.

Sa katotohanan, noong dati ay itinakda ng CPC at pamahalaang Tsino ang mga tadhana hinggil sa gawain ng mga opisyal. Pero ang naturang mga tadhana ay hindi maayos na sinusunod ng mga opisyal, at ito rin ay nagkaloob ng pagkakataon para sa korupsyon. Halimbawa ang illegal na aksyon ng mga pinarusahang mataas na opisyal ay matagal na nilang ginagawa at hindi lamang nangyari noong taong 2013.

Kaya sa taong 2013, sa isang dako, sinuri at pinarusahan ng CPC at pamahalaang Tsino ang mga corrupt official, sa kabilang dako naman, pinabuti nito ang sistema ng paglaban sa korupsyon. Ibig-sabihin, nagkaroon ng mas malaki at nagsasariling kapangyarihan ang mga organo ng CPC na namamahala sa paglaban sa korupsyon para suriin at superbisahin ang mga opisyal; hindi lamang sa mas mababang antas, kundi maging sa matataas na antas. Ito ay bihirang makita noong dati.

Sa kasalukuyan, ang pananatili ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ay nagiging pangunahing gawain para sa CPC at pamahalaang Tsino, pero sa kabilang dako, hindi dapat pabayaan ang pagpapabuti ng sistemang pulitikal, lalo na ng sistema sa paglaban sa korupsyon. ipinapakita ng mga nakalipas na karanasan na ang paglaban sa korupsyon ay hindi lamang pagpaparusa sa mga corrupt official, kundi maging sa pagpigil sa pagkaganap nito. Kaya kung walang mainam at maayos na sistema ng pagsusperbisa sa mga aksyon ng mga opisyal, mahirap na mapawi ang korupsyon.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>