Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Spring Festival Travel Rush ng Tsina

(GMT+08:00) 2014-01-20 15:15:04       CRI

Sa papalapit na Spring Festival, pinakamahalagang pestibal dito sa Tsina para makapiling ang buong pamilya, binabalak ng dumaraming Tsino ang kanilang biyahe papuwi sa kani-kanilang probinsya para makapiling ang kanilang mga magulang. At siyempre lumitaw ang taunang Spring Festival travel rush na naglalarawan ng tagpo ng sistema ng transportasyon na maghahatid ng mga mamamayang Tsino sa kanilang lugar na kapanganakan.

Malaki ang bansang Tsina at dumarami nang dumaraming Tsino ang nagtatrabaho at namumuhay sa ibang mga lugar, lalo na sa mga malalaking lunsod na malayo sa kanilang probinsya. Kaya ang Spring Festival travel rush ay palagiang nagsisimula dalawang linggo bago ang Spring Festival day at matatapos ang traval rush sa huling araw ng Spring Festival season batay sa tradisyonal na kulturang Tsino.

Ayon sa pagtaya ng pamahalaang Tsino, inaasahang mahigit 3.6 bilyong person-time ang maglalakbay sa panahon ng Spring Festival travel rush mula ika-16 ng Enero hanggang ika-24 ng Pebrero. Ang bilang na ito ay tumaas ng 20 milyong person-time kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2013. Kahit ang kabuuang haba ng daambakal ay umabot sa 100 libong kilometro, masasabing sa panahon ng travel rush, mabigat ang presyur sa sistema ng transportasyong pampubliko.

Dahil pa riyan, ang bilang ng mga pasahero ay siguradong lalampas sa katangggap-tanggap na kakayahan ng sistema ng transportasyon. Kaya ang pagbili ng ticket ay ang paunang isyu na kinakaharap ng mga Tsinong gustong pauwi. At palagiang makikitang punong puno ng mga tao ang bawat railway station, long distance bus station, paliparan at puwerto. Ito'y ang saktong tagpo ng Spring Festival travel rush.

Walang duda, hindi lahat ng mga Tsino ay maaaring bumili ng ticket pauwi sa kanilang probinsya at ang agwat sa pagitan ng kahirapan sa pagbili ng ticket at hangarin ng pauwi ay palagiang nagdudulot ng pagkabahala para makapiling ang mga magulang. Pero kumpara sa mga nakalipas na taon, nagiging kaunti ang papuna ng mga mamamayang Tsino sa mga may kinalamang departamento. Ito'y nagpapakita ng mga pagsisikap ng pamahalaang Tsino sa paglutas ng isyung ito.

Halimbawa, kasunod na pagkalat ng teknolohiya, bumubuti ang opisyal na website ng pagbebenta ng mga ticket ng tren. Ito'y nagiging pangunahing paraan ng pagbili ng dumaraming tao bukod sa pagtawag sa telepono at diretsong papunta sa mga ticket office. Dahil sa pagdami ng paraan para makabili ng ticket, sa katotohanan, pinapadali nito ang pag-uwi at maaari rin nilang isaasyos ang kanilang iskedyal sa mas maagang panahon.

Nitong ilang taong nakalipas, umunlad nang malaki ang sistema ng transportasyon dito sa Tsina. Halimbawa sa industriya ng daambakal, hanggang sa katapusan ng taong 2013, ang kabuuang haba ng linya ng high speed railway ay lumampas sa 10 libong kilometro at ang teknolohiya nito ay naging isang pangunahing produkto na iniluluwas ng Tsina sa ibang mga bansa.

Bukod dito, kasunod ng konstruksyon ng mga imprastruktura, umunlad din ang pambansang lansangan, abiyasyon at paglalayag. Ang mga Tsino ay maaaring pumili ng mas maraming paraan pauwi sa kani-kanilang lugar ng kapanganakan. Ito rin ay nakakatulong sa paghupa ng presyur ng travel rush.

Sa katotohanan, ang isyu ng Spring Festival travel rush ay may mahigpit na ugnayan sa proseso ng pagsasalunsod ng Tsina. Kasunod ng prosesong ito, nagtitipun-tipon sa mga lunsod ang parami nang paraming tao na galing sa iba't ibang lugar. Sa isang dako, ito'y nagkakaloob ng maraming murang lakas-manggagawa para sa pag-unlad ng kabuhayan, pero sa kabilang dako naman, kapag umuwi ang naturang mga tao sa kanilang probinsya kapag Spring Festival, lumitaw ang malaking hamon at presyur para sa sistema ng transportasyon ng Tsina.

Kaya masasabing ang isyu ng Spring Festival travel rush ay ang isyung panlipunan ng sirkulasyon ng populasyon na dulot ng pag-unlad ng Tsina sa halip ng isyung may kinalaman sa sistema ng transportasyon lamang.

Pagkatapos ng panunumpa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina noong 2013, ang pagpapasulong ng proseso ng pagsasalunsad ay naging isang pangunahing gawain sa kanyang termino. Pero kumpara noong dati, ang ginagawang hakbangin ni Premyer Li ay nagtatampok sa balanseng pag-unlad ng iba't ibang lugar. Ibig-sabihin, pupunta ang mas maraming Tsino sa mga maliit at katamtamang lunsod para magtrabaho at mamuhay, at kasabay nito, makakapiling ng mga migrant worker sa mga lunsod na pinatatrabahuhan nila ang pamilya. Kung ganoon, sa hinaharap, bababa ang bilang ng mga taong pauwi sa kanilang lupang-tinubuan sa Spring Festival at saka mababawasan ang presyur ng sistema ng transportasyon sa panahong iyon. Pero ang di-nagbabagong bagay ay dapat makapiling ang buong pamilyang Tsino sa Spring Festival, pinakamahalaga at pinakamasayang pestibal dito sa Tsina.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>