Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Plaza dance, hindi lamang sa pangangalaga sa kalusugan, kundi sa pagpapasulong ng pagkakaibigan

(GMT+08:00) 2014-06-16 08:12:48       CRI

Ano ang impresyon sa media ng Chinese Dama, iyong mga kababaihang Tsino na 40 taong gulang pataas? Bukod sa sobrang yaman na maaring bumili ng maraming mamahaling paninda, ang isa pang mahalagang simbolo nila ay iyong plaza dance; ibig-sabihin, lagi silang nakikitang sumasayaw sa mga plaza, parke at kalsada at malakas ang kanilang musika.

Tama ang naturang pangyayari, pero hindi itong kompletong katunayan. Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at lumilitaw ang mga tycoon; pero ang karaniwang kita ng mga mamamayan ay nasa mababang antas kung ihahambing sa ibang mga bansa. Bukod dito, ang plaza dance ay hindi lamang isang kaugalian para sa mga may edad na babaeng Tsino, kundi nagpapakita ng kanilang bagong istilo ng pamumuhay at komunikasyon.

Walang duda, ang plaza dance ay isang magandang paraan para mapanatili ang kalusugan ng pangangatawan ng mga tao. Pero kung oobserbahan ang mga taong nagsasayaw nito, ang karamihan sa kanila ay mga matatandang babae na 50 taong gulang pataas. Ibig-sabihin, sila ay mga retirado o malapit nang magretiro na walang mabigat na presyur sa trabaho at nailipat nang etensiyon mula sa trabaho tungo sa personal na buhay.

Samantala, malaki na at independent ang kanilang mga anak. Noong unang panahon, karamihan sa kababaihang Tsino ay nag-aasawa sa gulang na 25 pababa, at nagsisilang sila kaagad pagkatapos ng pag-aasawa. Ito ang malaking pagkakaiba ng mga kababaihang Tsino ngayon na ikinakasal sa gulang na halos 30.

Kaya mas maraming oras ang naturang matatandang babaeng Tsino para harapin ang kanilang sariling pamumuhay, at masasabing ang plaza dance ay nagkakaloob ng magandang paraan para sa kanila, hindi lamang sa pangangalaga sa kalusugan, kundi maging sa pagpapaligaya sa kalooban at isipan.

Bakit ganoon? Dahil ang plaza dance ay nagbibigay ng pagkakataon para magkasama-sama ang mga hindi dating magkakakilala at isulong ang kanilang pagkakaibigan.

Ang mga taong nagsasayaw ng plaza dance ay kadalasan nakatira sa lugar na malapit sa kanilang pinagsasayawan. Noong dati, ito ay nangangahulugan na magkakakilala sila sa sa isa't isa. Dahil noong panahong iyon, ang pagtatag ng pamayanang Tsino ay nagmula sa planned economy ng Tsina; ibig-sabihin, katrabaho at kakilala ang mga tao na nakatira sa isang pamayanan o maski sa iba.

Pero kasunod ng pagsasagawa ng market economy ng Tsina at patuloy na pagdami ng mga itinatayong pamayanan, nabago ang naturang estruktura ng pamayanan. Naging mas malaya ang sirkulasyon ng mga tao, at ang lugar na pinanirahan nila ay depende na sa sarili nilang kagustuhan at kakayahan sa pagbabayad sa halip ng pagsasaayos ng pamahalaan o mga bahay-kalakal na pinagtatrabahuhan nila. Ang mga ito minsan ay nakatawag ng malaking pansin ng lipunang Tsino dahil sa pagiging malamig ng relasyon sa pagitan ng mga magkakapitbahay, dahil hindi sila magkakakilala at walang anumang kaugnayan.

Sa pananaw na ito, ang plaza dance ay nagkakaloob ng isang plataporma para makakilala ng bagong kaibigan at mapalalim ang pagkaunawaan sa pagitan ng mga kapitbahay. Ito rin ay nakakatulong sa pagtatatag ng relasyon sa pagitan ng mga tao.

Sa kabilang dako, ang isyu ng pag-aasikaso sa mga matatanda ay isang malaking isyung panlipunan sa Tsina kasunod ng parami nang paraming bilang ng mga matatanda.

Bukod sa pag-aasikaso sa kanilang pamumuhay, ang kanilang kalooban at mentalidad ay isa pang mahalagang bagay na dapat isaalang-alang. Sa larangang ito, wala pang mga mabisang hakbangin ang pamahalaan para lutasin ang pangungulila ng mga matatanda.

Pero ang plaza dance ay maituturing na isang magandang paraan para malutas ang isyung ito. Sa pamamagitan nito, maaring makakilala ang mga tao ng bagong kaibigan. Bukod dito, hindi ito nangangailangan ng maraming pera at mga espeyal na kagamitan. Madaling idinaos ito sa iba't ibang lugar kung may espasyo at walang likas na kapahamakan. Sa katotohanan, kahit sino ay madaling makisali sa plaza dance.

Hindi alam kung kalian pinagmulan ang plaza dance, pero ito ay isang magandang aktibidad para sa mamamayang Tsino, hindi lamang para sa kalusugan, kundi maging sa isipan.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>