Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] MJ at Pop music ng Tsina

(GMT+08:00) 2014-06-30 10:34:23       CRI

Ang ika-25 ng Hunyo ng taong 2014 ay ika-5 anibersaryo ng pagyao ni Michael Jackson, King of Pop ng buong daigdig. Sa kasalukuyan, popular pa rin ang kanyang mga katha sa buong daigdig.

Dito sa Tsina, isinahimpapawid ng mga media ang mga espesyal na programa at isinagawa ng mga fans ang mga aktibidad bilang paggunita sa iyong pinakasikat at pinakamahusay na pop star sa buong daigdig.

Sa katotohanan, hindi nakapagtanghal si MJ sa mainland ng Tsina pero nakarating siya ng lunsod ng Zhongshan ng lalawigang Guangdong ng Tsina noong 1987. Ito rin ang siyang tanging biyahe niya sa Tsina, kaya ang kanyang pagiging popular sa Tsina ay nagmula sa pagkalat ng TV noong 1990s at internet noong 2000s. Ang isa pang mahalagang dahilan ay ang pagtanggap ng dumaraming mamamayang Tsino sa dayuhang kultura kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas.

Para sa larangan ng pop music ng mainland ng Tsina, si MJ ay simbolo ng pop music ng buong daigdig. Pero para sa mga kontemporaryong Chinese pop star na kasabayan ni MJ noong 1980s at 1990s, naimpluwensiyahan sila nang mas malaki ng mga pop star mula sa Hong Kong at Taiwan. Narito ang mga napakapopular na pop star sa mainland ng Tsina na sina Samuel Hui, Lesile Cheung, at Alan Tam, Anita Mui, at Teresa Teng noong 1980s at Andy Lau, Jackie Cheung, Lo Da Yu, Jim Lin at Little Tiger Group.

Di-tulad ng kasalukuyan, maaring malaman ng mga mamayang Tsino ang pinakahuling agos ng pop music ng buong daigdig sa pamamagitan ng internet. Ang 1980s at 1990s ay unang dako ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas, at ang Hong Kong ay nagsilbing isang panguhaning plataporma para malaman ng mga mamamayang Tsino ang dayuhang kultura.

Sa kabilang dako, ang pagiging popular ng pop music ng Taiwan sa mainland ng Tsina ay nagmula sa nagkakaisang cultural background ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait. Kaya madaling natanggap ng mga mamamayan sa mainland ng Tsina ang pop music mula sa Taiwan.

Walang duda, si MJ ay King of Pop na kinikilala ng buong daigdig ngayon. Pero kung pumasok sa Tsina ang kanyang mga kanta noong 1980s at 1990s, nakakuha kaya siya ng katulad na tagumpay sa ibang bansa kahit hindi isaalang-alang ang cultural shock?

Kahit natapos ang cultural revolution sa Tsina noong 1976 at sinimulang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas noong 1978, ang larangan ng musika ng Tsina noong 1980s, ay naimpluwensiyahan pa rin ng panguhahing ideyang panlipunan noong panahong iyon. Ibig-sabihin, ang musika na gaya ng pop music ay hindi lamang ng isang bahagi ng kultura, kundi maging sa pagsabalikat ng responsibilidad na panlipunan na gaya ng pagpapalaganap ng tamang sense of value.

Bukod dito, pinabayaan ng lipunang Tsino noong 1980s ang papel ng pop music sa pagpapakita ng sariling damdamin at pagpapasigla sa pag-unlad ng industriya ng paglilibang.

Noong 1990s, ang larangan ng pop music ng Tsina ay pumasok sa isang masaganang panahon. Masasabing ang dekadang ito ay isang malayang panahon para sa pop music ng Tsina.

Lumitaw ang maraming sikat na pop star sa romantikong kanta, rock music at pop music na may estilo ng folk music ng Tsina. Kahit naging mas bukas ang atityud ng lipunang Tsino sa iba't ibang uri ng kultura, kasunod ng pagpasok ng dumaraming dayuhang kultura, ang mga katutubong pop stars at local pop music ay nasa pangunahing katayuan sa larangan ng pop music ng Tsina.

Sayang talaga dahil noong 1980s at 1990s hindi direktang na-enjoy ng mga mamamayang Tsino ang pagtatanghal ni MJ at namalas ang kaniyang kabighanian. Pero pagpasok ng ika-21 siglo, ang pag-unlad ng pop music ng Tsina ay nagbagong muli. Ang elemento ng komersyo sa halip ng nilalaman ng musika ay naging pangunahing puwersa sa pagpapasulong ng industriya ng pop music ng Tsina.

Masasabing ang pangunahing bagay sa pop music at pop star ay dapat silang maghatid ng commercial benefits. Kaya para sa mga pop star ng Tsina sa ika-21 siglo, nagiging popular sila, pangunahin na, sa kanilang anyo, at ibang mga katangiang nakakatawag ng pansin ng lipunan, sa halip ng kanilang kahusayan sa musika at magandang katha lamang.

Walang duda, ang elementong komersyal ay mahalagang bagay para sa pag-unlad ng pop music; pero, dito sa Tsina ngayon, ang elementong komersyal sa halip na musika ay naging pangunahing istandard sa pagtasa sa pop music. Limang taon nang wala si MJ, pero para sa larangan ng pop music ng Tsina, ito ay pumasok rin sa isang panahon na mabilis ang pag-unlad sa aspekto ng komersyo nito sa halip ng musika.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>