Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] World Cup, maringal na piyesta sa Tsina

(GMT+08:00) 2014-06-22 20:35:30       CRI

Kahit hindi kahalok ang Chinese Football Team sa 2014 FIFA World Cup na idinaraos sa Brazail, hindi naman ito nakaapekto sa kasiglahan ng mga mamamayang Tsino sa panonood ng paligsahang ito kahit pa ang pagsasahimpapawid ng paligsahan ay nasa alanganing oras ng gabi o madaling araw dahil sa time difference ng Tsina at Brazil.

Hindi lamang sa mga media, kundi sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Tsino, ang mga bagay na may kinalaman sa World Cup ay lagi nang nagiging paksa ng mga usap-usapan. Halimbawa sa WeChat, pinakapopular na social media sa Tsina ngayon, napakaraming talakayan at komentaryo hinggil sa World Cup, na gaya ng pagtasa sa mga paligsahan, pagkatig sa mga paboritong koponan, at iba pa. Maski sa mga opisina, lagi ring makakatinig ng mga usap-usapan hinggil sa mga ginanap na laro.

Mahinahon ang kakayahan at tagumpay ng national team ng Tsina sa larangan ng football, pero hindi ito humadlang sa pag-ibig ng mga mamamayang Tsino sa nasabing event.

Sa kasalukuyan, nakakahikayat ang World Cup ng parami nang paraming babaeng fans sa Tsina. Una, ito'y may kinalaman sa sariling kabighanian ng football at pagpapalaganap sa iba't ibang paraan. Sa kabilang dako, ang mga macho-guwapitong manlalaro ay isa pang mahalagang bagay sa paghihikayat ng dumaraming babaeng fans. Ang isang representatibong manlalaro sa buong daigdig ay si Cristiano Ronaldo, manlalaro mula sa Portuguese National Team at Real Madrid Football Club. Siya rin ay isa sa mga pinakamahusay na manlalaro ng football.

Para sa mga bagong sibol na babaeng fans ng football, siguro hindi nila naiintindihan ang tactics ng team at kakayahan ng mga manlalaro, pero maaari nilang mahalin at maunawaan ang football sa pamamagitan ng mga macho-guwapitong manlalaro.

Ang World Cup ay isang maringal na piyesta sa Tsina. Hindi lamang ito nagmumula sa paghihikayat ng dumaraming pansin ng lipunan, kundi maging sa pagiging isang mahalagang paraan ng pagsalu-salo ng mga kaibigan at pagpahinga pagkatapos ng trabaho.

Sa mga plaza, kalsada at park, karaniwan nang nakikita ang mga malaking LED screen para isahimpapawid ang paligsahan ng World Cup, at samantala, nagtitipon ang maraming tao para kumain ng barbecue, uminom ng beer at masayang magkuwentuhan sa isa't isa. Hindi lamang nila na-eenjoy ang World Cup, kundi ang pleasure ng pamumuhay. Sa mga pabahay, inihandog ng mga tao ang mga pagkain at inumin para ibahagi kasama ng kanilang mga kaibigan kapag nanonood ng paligsahan.

Walang duda, hindi pambasang bakasyon ang World Cup dito sa Tsina, pero pinakikitunguhan ito ng mga mamamayang Tsino na parang sila ay nasa mahalagang bakasyon.

Sa aspetong ito, ang kasiglahan at kagustuhan ng mga mamamayang Tsino sa World Cup ay nagpapasigla sa paglaki ng bolyum ng pagbebenta ng mga beer at pagkain at saka ito'y nakakatulong sa pag-unlad ng retail industry at catering ng Tsina.

Ang World Cup ay isang maringal na piyesta, hindi lamang para sa mga mamamayang Tsino, kundi maging sa mga bahay-kalakal ng Tsina. Bukod sa retail industry at catering, ang industriya ng media, pag-aanunsyo at manufacturing ay nakikinabang din sa malaking impluwensya nito.

Halimbawa ang industriya ng manufacturing ng Tsina, kahit hindi kasali ang national team ng Tsina sa World Cup, ang mga football na ginagamit sa paligsahan ay yari ng mga bahay-kalakal ng Tsina. Bukod dito, ang mga souvenir at pasilidad na may kinalaman sa World Cup ay yari rin ng mga bahay-kalakal ng Tsina.

Sa isang dako, ang pagiging mas popular ng World Cup ay nagpapasigla sa paglaki ng pangangailangan ng konsumo ng mga may kinalamang paninda; sa kabilang dako naman, unti-unting lumalaki ang impluwensya at kakayahan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa buong daigdig.

Sa madaling salita, ang World Cup ay talagang isang maringal na piyesta sa Tsina. Na-eenjoy ang mga football fans ng panonood nito at kumikita ang mga bahay-kalakal ng magandang benepisyo, pero ito'y walang kaugnayan sa Chinese National Team.

1 2 3 4
May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>