Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pagsasanay na militar para sa mga estudyanteng Tsino

(GMT+08:00) 2014-08-31 20:59:44       CRI

Narito ang isang biro na popular sa cyber space ng Tsina: Kapag Agosto, laging natutuklasan ng mga satellite ng Amerika ang isang kakatwang kalagayan na biglaang nadaragdagan ng ilang milyong kawal ang hukbo ng Tsina, pero pagkaraan ng kalahating buwan, biglaang nawawala ang mga ito. Gumugol ang Amerika ng nakaparaming pera sa pagsisiyasat ng katotohanan ng insidenteng ito. Sa bandang huli, natuklasan ng Amerika na ang naturang insidente ay ang taunang pagsasanay militar para sa mga fresh man sa mga kolehyo at high school ng Tsina.

Walang duda, ang kalahating buwang pagsasanay militar ay hindi nakakapagkaloob ng ilang milyong mahusay na kawal o mga taong bihasa sa mga kakayahang militar. Pero ito ayg isang magandang paraan para sa mga bagong estudyate na kilalanin ang isa't isa at mahubog ang kanilang pagkakaibigan.

Ang naturang pagsasanay ay bahagi ng sistema ng edukasyon ng Tsina. Ayon sa Military Service Law, dapat tanggapin ng mga estudyante ng high school at kolehiyo ang pagsasanay militar para palalimin ang kanilang pagkaunawa sa mga kaalaman hinggil sa pambansang depensa at palakasin ang kanilang patriotismo.

Sa katotohanan, ang naturang pagsasanay ay kinabibilangan lamang ng formation training at emergency evacuation. Kaya ito rin ay naglalayong pabutihin ang collectivism, kalooban, at hitsura ng mga estudyante.

Pero sa kabilang dako, ang mga isyung may kinalaman sa pagsasanay ay nakatawag ng mainit na pagtalakay sa cyber space ng Tsina. Ang isyu ng di-umano'y corporal punishment ay isang representatibong bagay.

Walang duda, ipinagbawal na ang naturang parusa sa mga paaralan ng Tsina. Pero sa hukbong Tsino, ang ilang uri ng corporal punishment ay ginagamit pa rin para pataasin ang kakayahang militar ng mga kawal sa maiksing panahon.

Bukod dito, para sa mga estudyante at kawal, nagkakaiba ang istandard at aktuwal na nilalaman ng corporal punishment. Ibig-sabihin, kapag tumatanggap ang mga estudyante ng pagsasanay militar, siguro ang ilang di-umano'y corporal punishment sa kanilang ideya ay mga normal na pagsasanay militar para sa mga kawal.

Ang naturang agwat sa pagitan ng ideya ng mga estudyante at kawal hinggil sa pagsasanay ay madaling nagdudulot ng mga pagkakaiba ng pananaw. Kamakailan ay naganap ang isang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng halos sandaang estudyante at kanilang ilang coach sa pagsasanay militar sa Nayong Longshan ng lalawiang Hunan ng Tsina.

Sa katotohanan, kahit ang pagsasanay militar ay isang bahagi ng edukasyon ng Tsina batay sa batas, mababa ang katayuan nito at hindi lubos na pinahahalagahan ng mga paaralan. Ibig-abihin, kumpara sa pagsasakatuparan ng mga target sa pagsasanay militar na itinakda ng batas ng Tsina, mas malaking pinahahalagahan ng mga paaralan ang tagumpay ng mga estudyante sa pag-aaral. Dahil ito'y may kinalaman sa pagpasok ng mga estudyate sa mga magandang paaralan o pagkuha ng magandang trabaho pagkatapos ng kolehiyo.

Para sa mga estudyanteng Tsino, ang pagsasanay militar ay itinuturing na "out of date." Sa katotohanan, simple at luma na ang mga nilalaman ng pagsasanay, partikular sa kasalukuyang panahon. Ang mga estudyante ay hindi naaakit nito.

samantala, ang naturang pagsasanay militar ay nakakabuti sa collectivism, pagkakaibigan at magandang kalooban ng mga estudyante. Sa buong sistema ng edukasyon ng Tsina, ang nabanggit na papel ay hindi kayang palitan ng pag-aaral lamang.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>