|
||||||||
|
||
Magsimula na ang bagong semestre para sa mga estudyanteng Tsino. Bukod sa pag-aaral, ang palakasan ay mahalaga rin para sa kanila, minsan ay mas mahilig ang mga estudyante sa palakasan kaysa sa pag-aaral.
Pero ang Tsina ay isang bansang may mahigit 1.3 bilyong populasyon. Ibig sabihin, napakarami ng mga estudyante, pero limitado ang saklaw ng mga lupa para sa mga paaralan.
Kasunod ng proseso ng pagsasalunsod ng Tsina, dumarami nang dumarmang tao ang pumupunta sa mga lunsod para doon mamuhay, mag-aral at mpaghanap-buhay. Ito ay nagdulot ng malaking presyur sa suplay ng lupang matitirhan. Kaya upang makatugon sa pangangailangan ng mga estudyatne sa palakasan, natuklasan ng ilang paaralan ang isang paraan para lutasin ang isyu ng suplay sa lupa. Ang nasabing paraan ay itayo ang mga palaruan sa bubungan ng mga gusali.
Sa nayon ng Tiantai ng lalawigang Zhejiang, ang palaruan ng ika-2 primary school ay itinayo sa bubungan ng mga gusali nito. Dahil dito, nadagdagan ng mahigit 3000 metro-kuwadradong espasyo ang palaruan ng mga estudyante. Isinagawa rin ng paaralan ang mga hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng naturang palaruan, na gaya ng pagdaragdag ng mga barrier sa paligid ng palaruan.
Sa ibang mga lugar ng lalawigang Zhejiang na gaya ng lunsod ng Hangzhou, itinayo rin ang ilang garden sa bubungan ng mga gusali ng mga paaralan, para pasaganain ang mga aktibidad ng mga estudyante pagkatapos ng pag-aaral.
Dahil limitado ang mga lupa sa lunsod para itayo ang mga palaruan at ibang mga pampublikong pasilidad, ang edukasyon ng palakasan ay naging isang malaking hamon para sa mga paaralan. Sa kabilang dako, nagiging mataba ang parami nang paraming batang Tsino, at saka hindi silang malusog at malakas. Ito rin ay may kinalaman sa kakulangan sa sapat na ehersiyo.
Kaya ang naturang mga hakbanin ng mga paaralan sa lalawigang Zhejiang ay nagsisilbing isang mainam na pagsubok para lutasin ang isyung ito.
Sa kabilang dako, ang naturang mga hakbangin ng mga paaralan ay ginagamit bilang tugon sa isang isyung panlipunan tungkol sa hindi maayos at siyentipikong plano ng konstruksyon ng mga lunsod ng Tsina.
Kasunod ng pag-unlad ng mga lunsod at paglaki ng populasyon sa Tsina, ang konstruksyon ng mga pabahay, gusali ng mga kompanya, at mga pampublikong instalasyon, ay nangangailangan ng napakaraming lupa. Ito ay nagdudulot ng kakulangan sa pagtatayuan ng mga palaruan ng mga paaralan.
Ang edukasyon ay kasinhalaga ng kabuhayan, siyensiya, at gawaing pandepensa; at ang palakasan ay mahalagang bahagi ng edukasyon. Kaya ang naturang mga hakbangin ng mga paaralan ay nagpapakita na dapat isagawa ng pamahalaang Tsino ang mga katugong hakbangin para sa siyentipiko at maayos na paggamit ng lupa.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |