|
||||||||
|
||
Nitong ilang taong nakalipas, naging maigting ang relasyong Sino-Amerikano dahil sa mga alitan ng dalawang panig sa isyu ng South China Sea at East China Sea. Gayunman, nananatili pa rin namang maayos ang pag-uugnayan ng dalawang panig at matapat na naipapakita nila ang tunay na palagay sa isa't isa. Mas mabisa ito para sa pagkontrol at paghawak sa kanilang mga alitan sa halip ng marahas na akyon.
Walang duda, ang Amerika ay ang pinakamalakas na bansa sa daigdig at leading power sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Ang realidad na ito ay kinikilala rin ng Tsina. Pero kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, nagbabago rin ang katayuan at impluwensya nito sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Ang naturang pagbabago ay nakakaapekto hindi lamang sa pagtatakda ng pamahalaang Tsino sa mga patakarang panloob at panlabas, kundi maging sa pagtasa ng Amerika sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Mula ika-9 hanggang ika-10 ng buwang ito, idinaos sa Beijing ang Ika-6 na Diyalogo ng Estratehiya at Kabuhayan ng Tsina at Amerika. Samantala sa ilalim ng balangkas ng naturang diyalogo, idinaos din ang diyalogo ng dalawang panig sa estratehiya at seguridad, at pagpapalitang pangkultura.
Bukod sa isang serye ng mga pambansang isyu na gaya ng kasunduan sa bilateral na pamumuhunan, seguridad ng cyberspace, bagong estilo ng relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa, South China Sea at East China Sea, narating din ng dalawang bansa ang ibang mga nagkakaisang posisyon hinggil sa pagpapalitang pangkultura, edukasyon, kalusugan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Masasabing mabunga ang naturang mga diyalogo ng Tsina at Amerika at mahalaga ang mga ito para mapasulong ang relasyon ng dalawang panig. Pero kung pagpapalalim ng pagkakaunawaan ng dalawang panig sa isa't isa ang pag-uusapan, mas magalaga ang mga natamong bunga ng diyalogo ng Tsina at Amerika sa pagpapalitang pangkultura, at edukasyon.
Bukod sa mga aktuwal na benepisyo, ang pagpapalitang pangkultura at pagkaunawa sa kani-kanilang kultura ay mahalaga ring pundasyon para sa isang matatag at malusog na relasyon ng dalawang bansa.
Para sa target ng Tsina at Amerika hinggil sa pagtatatag ng bagong estilo ng relasyon ng malalaking bansa, ang isang pangunahin hamon ay nagkakaibang pagkaunawa ng dalawang panig hinggil sa target na ito at mga aktuwal na nilalaman nito. Ang naturang nagkakaibang pagkaunawa ay nagmula sa pagkakaiba sa kultura ng dalawang bansa at kakulangan sa pagpapalitan sa mga larangan na gaya ng kultura, edukasyon at lipunan.
Ang naturang kakulangan sa pagpapalitan ay hindi nangangahulugang iilan0ilan lang ang aksyon ng pagpapalitan, kundi marami ang mga kaakibat nitong kahirapan.
Tulad ng alam ng lahat, kapwa malawak ang saklaw ng Tsina at Amerika. Pero kumpara sa Amerika, ano ang katangian na kumakatawan sa Tsina? Sa katotohanan, kung mababangit ang modernisasyon at pagiging mayaman, ito'y tumutukoy lamang sa mga malaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, Guangzhou, at Shenzhen, at mga lugar na komersiyal ng mga lunsod. Kung mababangit ang isyu ng relihiyon at lahi, nagaganap lamang ang mga ito, sa kabuuan, sa Xinjiang at Tibet.
Kasunod ng pag-unlad ng Tsina, lumitaw din ang mga isyung panlipunan na gaya ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, agwat sa pagitan ng lunsod at kanayunan, agwat sa pagitan ng mga lugar at alitan sa pagitan ng mga lahi. Ang mga isyu ay hindi lamang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at katatagan ng lipunan, kundi humahadlang din sa tama at obdiyektibong pagtasa at pagkaunawa ng ibang mga bansa sa isang tunay na Tsina.
Walang duda, kung magkakaunawaan ang Tsina at Amerika sa isa't isa hinggil sa kanilang paninindigan, patakaran at kapakanan, mas maayos na makokontrol at mahahawakan nila ang mga alitang namamagitan sa kanila para mapigilan ang pagkaganap ng grabeng kalagayan. Kung magkakagayon, magiging mas maganda ang pamumuhay ng kanilang mga mamamayan sa hinaharap.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |