Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-18 2015

(GMT+08:00) 2015-07-16 09:40:15       CRI

June 7, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "The truth is, everyone is going to hurt you. You just got to find the ones woth suffering for."-- Bob Marley

Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang mga pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka naman puwede ninyong i-share. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?

Get well soon kay Sandra ng Beijing International School. Dinapuan daw siya ng flu at kasalukuyang naka-confine sa Peking Union Hospital. Pagaling ka, Mare. Hinihintay ka ng mga pupil mo. Inom ka ng maraming tubig. Tubig lang ang katapat niyan.

Happy birthday kay Wilbert ng Pandacan. Ano ba ang tutumbahin ninyo riyan ng mga dabarkads? Hinay-hinay lang ang inom, ha? Mahirap na, eh. Baka makalimutan ninyo mga pangalan niyo.

Sabi ni Cristy ng Chaoyang, Beijing: "Kuya Ramon, gusto kong i-share ang ipinasa rin lang sa akin na Tagalog quotation duon sa mga kababayan na may mabibigat na prolema: 'Lahat tayo ay may kanya-kanyang bitbit na problema at lungkot. Wag mong isiping pinagkaitan ka ng mundo dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok. Kahit anong mangyari tuloy lang ang buhay mo at wag na wag mong isusuko ang mga pangarap mo.' "

Salamat Cristy. Tama nga naman. Habang may buhay, may pag-asa. Tuloy ang laban.

THE RIGHT THING TO DO
(CARLY SIMON)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "The Right Thing to Do" ni Carly Simon. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "No Secrets."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbLp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Bigyang-daan natin ang ilang text messages.

Sabi ni Ruth ng Machang Road, Tianjin: "nagsimula na pagba2tuhan ng putik ng mga ambisyosong politico ntin.tlagang ONLY IN THE PHILS."

Sabi naman ni Wendel ng San Juan de Letran College Manila: "Wag niyong iboboto yung mahihilig manira sa kapwa. Yang mga mapanira ay di-katiwatiwala."

Sabi naman ni Rachelle ng Shunyi, Beijing, China: "Salamat sa time mo sa pakikinig sa mga proble-problema namin. 'Wan ko ba. Pag may problema ka iniiwasan ka ng madlang pipol."

Sabi naman ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "Solved ako sa mga iniintrodyus mong mga snacks at desserts. Mahilig talaga ako sa mga miryenda at panghimagas. Kaya lang baka tumaba ako niyan, hahaha..."

Sabi naman ni Marifie ng General Trias, Cavite: "Sabi ng mga matatanda namin, noon daw, konti lang ang inaaral nila pero malalim. Ngayun naman daw, maraming inaaral pero mababaw."

May point sila riyan. Maraming salamat sa inyong mga SMS.

IF I COULD REACH YOU
(FIFTH DIMENSION)

Iyan naman ang "If I Could Reach You," ng Fifth Dimension. Ang awiting iyan ay hango sa album na may pamagat na "Individually and Collectively."

At dumako na tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Simple Noodle Dish.

SIMPLE NOODLE DISH

Mga Sangkap:

2 pakete ng instant noodles
4 na tasa ng tubig
4-6 na tangkay ng Chinese mustard o kahit anong madahon at berdeng gulay
1 kutsarita ng peanut oil
2 kutsarita ng sesame oil
2 kutsarita ng black soya sauce
2 kutsarita ng chilli sauce
Kahit alin sa mga sumusunod: red barbecued pork, hinimay na lutong manok, braised black mushrooms o lutong prawns

Paraan ng Pagluluto:

Alisin sa pakete ang noodles. Huwag isasama iyong seasoning (hindi gagamitin iyon).

Magpakulo ng tubig at ilaga ang mga gulay hanggang sa lumambot tapos hanguin ang gulay pero huwag itatapon ang tubig na pinagpakuluan. Ayon sa oras na nakasulat sa pakete, lutuin ang noodels sa tubig na pinagpakuluan ng gulay tapos hanguin at patuluin.

Kasama ng noodles, paghalu-haluin ang peanut oil, sesame oil, soya sauce at chilli sauce sa isang malaking bowl. Isilbi gamit ang gulay at iba pang mga sangkap bilang palamuti o garnish.

Madalas, ito ay isinisilbi na may kasamang isang maliit na bowl ng chicken soup at may side-dish na pickled green chilli.

Para sa inyong mga katanungan, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. Magpapatuloy tayo...

THE BELLS OF SHELL
(LIU XI JUN)

Mula sa album na "Super Girls' Voice," iyan ang awiting "The Bells of Shell na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Liu Xi Jun.

Pakinggan ninyo itong maikling e-mail ni Ferdie ng Bacood, Sta. Mesa. Sabi:

"Kuya Ramon, napatunayan ko sa sarili ko na talagang mabisa ang bawang sa pagpapababa ng blood pressure. Nuung atakihin ng high blood ang tiyuhin ko at kailangang dalhin sa hospital, habang hinihintay namin iyung sasakyan na magdadala sa kanya sa hospital, pinakain namin siya ng ilang butil ng bawang. Maski duun sa sasakyan habang papunta sa hospital, nagkendi rin siya ng bawang. Maniwala ka, pagdating sa hospital at makunan ng BP ng doktor, ang sabi ni Dok: "Normal naman ang blood pressure niya, ah."

Salamat sa email, Ferdie. Sama ako ng sampu riyan. Naniniwala rin ako na talagang maraming health benefits ang pagkain ng garlic. Ang pagkontrol sa BP ay isa lang. Marami pang iba.

Sabi ni Esther ng Jiangguomen Hotel Beijing: "Hi, Kuya Ramon! Sabi ng kaibigan naming TCM doctor, para raw sa kidney stone, subukin ang sumusunod na ingredients:

1 orange
1 apple
1 lemon
4 na slices ng watermelon
4 na ice cubes

Try mo, Kuya. Wala naman sigurong side effects iyan.

Salamat, Esther pero hindi mo binanggit kung paano ipi-prepare. Ilalagay ba sa blender at iinumin na parang shake? Iteks mo sa akin kung paanong i-prepare. Try natin.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-17 2015 2015-07-09 09:59:28
v Gabi ng Musika Ika-16 2015 2015-07-02 15:10:38
v Gabi ng Musika Ika-15 2015 2015-07-02 10:55:00
v Gabi ng Musika Ika-14 2015 2015-06-25 14:53:08
v Gabi ng Musika Ika-13 2015 2015-06-25 09:58:58
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>