Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-19 2015

(GMT+08:00) 2015-07-23 09:44:32       CRI

June 14, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "If i had my life to live again, I'd find you sooner."-- Kobi Yamada

Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Paki-share naman. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?

May mga nagpadala ng mga bating pang-Independence Day pero ngayon ko lang mapapasalamatan. Salamat kina Manny ng manny_feria@yahoo.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Poska ng poskadot610@hotmail.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; at Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch.

Kumusta nga pala kay Citas ng New Territories, Hong Kong. Matutuloy ba ang pagpunta ninyo ng Canada? Are you leaving Hong Kong for good? Sabihan mo lang ako pag final na ang lahat, ha?

Mayroong mensahe at tanong si Maricar ng San Jose, del Monte, Bulacan. Sabi niya: "Kuya Ramon, siguro talagang ganyan ang buhay. Pag meron ka, marami kang kaibigan. Pag wala ka, lalo na kung walang-wala, wala rin sila. Para bang ang pagkakaibigan ay nakikita lang sa pagsasaya, pagkakainan, pagpipiknikan at paggigimikan. What are we friends for kung wala naman sila sa tabi ko kung meron akong pinagdadaanan?"

Iyan nga ang tanong ng marami, eh, "Kaibigan ko lang ba sila sa panahon ng kasaganaan at hindi sa panahon ng kawalan?" Pero hindi mo problema iyon. Problema nila iyon. Basta ikaw ay manatiling tapat sa kanila. Huwag kang magbabago. Bigyan mo sila ng sampol kung paaano makipagkaibigan. Kahit pa may nakikita kang mga palatandaan na hindi sila loyal sa iyo, manatili kang loyal sa kanila. Basta ipakita mo sa kanila kung paano makipagkaibigan.

Mamaya, sa Kusina ni Kuya Ramon, ang Chinese recipe natin ay Steamed Pork and Taro Slices. Masarap iyan kaya stay put lang kayo.

CANDLE IN THE WIND
(ELTON JOHN)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Candle in the Wind" ni Elton John. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "Goodbye Yellow Brick Road."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Bigyang-daan natin ang ilang SMS.

Sabi ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Somehow, kailangan natin ng isang Duterte. Meron nga tayong demokrasya wala namang disiplina. Eswes!"

Sabi naman ni Jenny ng Wack-Wack, San Juan: "natry q yung simple noodle dish niyo last time. cge, longevity pa more sa #kusinanikuyaramon."

Sabi naman ni Roselyn ng Maasin, Leyte: "si sec. leila de lima e 'sang babai. magdahandahan sana yung mga nagaakusa sa kanya. wag naman nlang daanin sa paraang naka2bastus."

Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "mahirap ma-realize ang tnatawag nlang paraang matuwid sa sang bansang sobra-sobra ang democratic space. kelangan mung pagbigyan ang lahat."

Sabi naman ni Fritz ng Molino II, Bacoor, Cavite: "Mahirap tlaga takbo ng pulitika d2 satin. klangan e makapal mukha mo at matibay ang skmura at honesty is not always the best policy."

Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.

Honesty is not always the best policy. Sinong kokontra? Magsalita na habang maaga... Sa pulitika lang naman siguro applicable, hindi sa ibang larangan.

THE ONE FOR ME
(LUO ZHIXIANG)

Iyan naman ang "The One for Me," ni Luo Zhixiang. Ang awiting iyan ay hango sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Ngayon dumako na tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Steamed Pork and Taro Slices.

STEAMED PORK AND TARO SLICES

Pangunahing Sangkap:

500 grams ng belly pork, 1 buong piraso
2 kutsarita ng malapot na black soya sauce
2 butil ng bawang, tinadtad
250 grams ng taro yam o gabi, tinalupan
8-10 dahon ng litsugas o lettuce leaves

Para sa Gravy:

6 na kutsara ng pork stock
1 kutsara ng malabnaw na soya sauce
1 kutsarita ng malapot na soya sauce
1 kutsarita ng cornflour
1/4 na kutsarita ng vetsin
1 kutsarita ng asukal
1 kutsarita ng sesame oil
2 kutsarita ng salted soya beans, niligis
1/4 na kutsarita ng puting paminta

Paraan ng Pagluluto:

Ilaga ang pork belly sa loob ng 20 minuto tapos hanguin pero huwag itatapon ang tubig na pinaglagaan. Pahiran ng black soya sauce ang karne at itabi.

Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang bawang tapos alisin. Nasa itaas ang balat, iprito ang karne sa lasang bawang na mantika sa loob ng 3 minuto. Baligtarin at iprito ang kabilang bahagi sa loob ng 2-3 minuto. Hanguin, patuluin at hayaang lumamig. Pagkaraan, hiwa-hiwain sa sukat na 1 sentimetro o 1 centimeter.

Hiwahiwain ang gabi o taro sa sukat na 5 milimetro of 5 millimeters tapos iprito sa loob ng 2-3 minuto. Hanguin at patuluin.

Paghalu-haluin ang lahat ng gravy ingredients sa isang kaserola at ilaga sa loob ng 5 minuto. Ipahid ang mixture na ito sa mga hiwa ng karne at gabi. Salit-salit na ilagay ang mga karne at gabi sa isa isang bowl. Takpan ang bowl at ilagay sa steamer. Lutuin ang karne at gabi hanggang sa lumambot (mga 1 1/2 hanggang 2 oras).

Ihulog ang mga dahon ng litsugas sa kumukulong tubig. Dagdagan ng kaunting cooking oil. Hanguin, patuluin at iayos sa isang serving platter. Salit-salit na ilagay ang mga hiwa ng karne at gabi sa ibabaw ng mga dahon ng litsugas. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.

ABALANG-ABALANG KOBOY
(JAY ZHOU)

Mula sa album na may pamagat na "Bising-busy Ako," iyan ang awiting "Abalang-abalang Koboy," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jay Zhou.

Nag-iimbita ang Hypersonic, bandang ang pangalan ay Hypersonic. Unang gabi raw nila sa Jiangguo Hotel at gusto nilang maraming pumuntang guests para ma-impress ang management ng hotel. Kinakabahan daw sila baka langawin. Don't worry, guys. Hindi ako makakapunta dahil mayroon akong commitment pero mayroong grupo, malaki-laking grupo, na pupunta on my behalf. Kaya relax lang kayo. Hindi kayo lalangawin. Sigurado iyan dahil iyong mga papupuntahin ko ay magyayaya pa ng mga barkada nila. Okay?

Mayroon ditong dalawang anonymous quotations. Sabi ng una, "Fake friends tell you the pretty lies. True friends tell you the ugly truth." Sabi naman ng pangalawa, "The most useful asset of a person is not a head full of knowledge but a heart full of love, with ears willing to listen and hands willing to help." Salamat kay Rachelle ng Fangyuan, Beijing, China.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-18 2015 2015-07-16 09:40:15
v Gabi ng Musika Ika-17 2015 2015-07-09 09:59:28
v Gabi ng Musika Ika-16 2015 2015-07-02 15:10:38
v Gabi ng Musika Ika-15 2015 2015-07-02 10:55:00
v Gabi ng Musika Ika-14 2015 2015-06-25 14:53:08
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>