Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-20 2015

(GMT+08:00) 2015-07-30 16:37:17       CRI

June 21, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "If there's a better way to do it, find it."

Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Pa-share naman. Gusto naming makarinig mula sa inyon. Okay lang ba?

Happy birthday uli kay Wilbert ng Pandacan. June 19 ang birthday niya. Ka-birthday niya si Dr. Jose Rizal. Binigyan daw siya ng sorpresang "for the boys" ng mga anak niyang babae. Nagpunta raw sila sa isang Korean restaurant sa Ermita para sa isang sumptuous dinner. Kasama na siyempre roon ang inuman. Ang saya-saya raw nilang magkakamag-anak at magkakaibigan.

Congrats kay Connie ng Jang Tai Lu, Beijing. Natanggap daw siya sa inaaplayan niyang international school sa Beijing. Pagbutihin mo riyan, Connie. Pangmatagalan nang trabaho iyan.

Sabi ni Allan ng Intramuros, Manila: "Kuya Ramon, ang pinakamagandang paraan ng pagdiriwang ng birthday ni Dr. Jose Rizal ay ang pagbisita sa kanyang monumento sa Luneta. Alalahanin natin na noong December 30, 1902, ang mga labi ni Dr. Jose Rizal ay inilipat mula sa kustodiya ng kanyang pamilya patungo doon sa pinaka-base ng monumento ni Rizal. At pagkaraang ilipat ang kanyang mga labi, isang seremoniya ang idinaos. Isang taon pagkaraan niyon, isinagawa ang opisyal na pagaalis ng takip ng kanyang monumento, at noong time na iyon ipinagdiriwang ang ika-17 death anniversary ni Dr. Jose Rizal.

Mamaya, sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ay Sauteed Onions with Meat. Walang iwanan, ha?

JUST DON'T WANNA BE LONELY
(RONNIE DYSON)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Just Don't Wanna Be Lonely" ni Ronnie Dyson. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "One Man Band."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages.

Sabi ni Wilma ng Bangkal, Makati City: "...nakow, grabe d2, koyang. araw2 ang balita holdapan, dukutan, nakawan, salisihan, rape at kung anu2 pa. d q na lang dinidib2 @ baka akupa madibdiban."

Sabi naman ni Mitch Fuljante ng Galas, Quezon City: "haaanep mga kawatan ngaun. haytek mga pamamaraan. mga eksperto na rin sa IT. ala kang lusot, eh!"

Sabi naman ni Charlene ng Aguinaldo Highway, Imus, Cavite: "slamat sa stickers at mga cute na novelty aytems, kya ramon. ayl treasure dem, promise. lkas q kaya sayo."

Sabi naman ni Lucy ng Circumferential Road, Antipolo: "Cyempre dapat walang iwanan sa magka2ibigan at wala ring laglagan. Para anupa't tinawag kaung magkaibigan kung sa bandang huli mag-iiwanan at maglalaglagan din kau."

Sabi naman ni Francis ng B. F. Homes Paranaque: "..naungusan na ni sen. grace poe si vice-president binay sa pinakahuling survey. 'no sa tingin nyo, tlaga bang naba2sa sa survey ang kala2basan ng eleksyon?"

Thank you so much sa inyong text messages.

NEVER LETTIN' GO
(STEPHEN BISHOP)

Iyan naman ang "Never Lettin' Go ni Stephen Bishop. Ang awiting iyan ay hango sa album na may pamagat na "Careless."

Ngayon, punta na tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Sauteed Onions with Lean Meat...

SAUTEED ONIONS WITH LEAN MEAT

Mga Sangkap:

300 grams ng sibuyas
50 grams ng lean meat
2 grams ng asin
1 gram ng vetsin
8 grams ng toyo
10 grams ng asukal
30 grams ng tubig
100 grams ng cooking oil
20 grams ng mixture of cornstarch and water
3 grams ng xiaoshing wine

Paraan ng Pagluluto:

Alisan ng balat ang sibuyas tapos gayatin at itabi muna.

Hiwa-hiwain ang karne tapos lagyan ng asin, xiaoshing wine at mixture of cornstarch and water. Haluing mabuti pagkatapos.

Mag-init ng mantika sa kawali sa temperaturang 180-200 degrees centigrade. Igisa ang karne sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Hanguin at patuluin.

Mag-init ng 50 gramo ng mantika sa kawali. Ilagay ang ginayat na sibuyas at igisa. Lagyan ng tubig, toyo, asin, vetsin at asukal tapos pakuluin. Dagdagan ng mixture of cornstarch and water para lumapot. Ilagay ang mga piraso ng karne tapos haluin. Isalin sa plato at isilbi.

Para sa inyong mga katanungan, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. Magpapatuloy tayo...

IMBISIBOL NA PAKPAK
(ANGELA CHANG)

Mula sa album na pinamagatang "Pandora," iyan ang awiting "Imbisibol na Pakpak," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Angela Chang.

Mayroon ditong ilang kasabihan. Padala rin ang mga ito ng isang kaibigan, dating classmate sa high school. Iisa-isahin ko sa inyo at sabihin ninyo sa akin kung totoo o hindi ang mga ito.

(1) "When a father gives to his son, both laugh; when a son gives to his father, both cry." Totoo o hindi?

(2) "Father is a banker provided by nature." Totoo o hindi?

(3) "There are three steps in a man's life: He believes in Santa Claus. He doesn't believe in Santa Claus. He is Santa Claus." Totoo o hindi?

(4) "A father carries pictures where his money used to be." Totoo o hindi?

Ganyan din kasi ang tanong sa akin ng nagpadala.

May ilang SMS pa rito.

Sabi ni Eric ng Barangay San Lorenzo, Makati City: "kala q nun sa mga kanta lang may payola. pati pala sa bbl meron din. pihado di barya-barya."

Sabi naman ni Danny Navajo ng Colegio de San Juan de Letran Manila: "dapat mabago mindset ng mga politicos ntin. ang loyalty di dapat sa partido. dapat ang loyalty sa country."

Sabi naman ni Lydia ng Shunyi, Beijing, China: "naglitawan na naman mga fake-- kasama na riyan pati fake na mukha. Hindi orig ang hilatsa, hahaha..."

Hindi ko ata na-gets iyon, ah. Salamat sa inyong mga SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-19 2015 2015-07-23 09:44:32
v Gabi ng Musika Ika-18 2015 2015-07-16 09:40:15
v Gabi ng Musika Ika-17 2015 2015-07-09 09:59:28
v Gabi ng Musika Ika-16 2015 2015-07-02 15:10:38
v Gabi ng Musika Ika-15 2015 2015-07-02 10:55:00
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>