|
||||||||
|
||
July 5, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "Life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced."-- Soren Kierkegaard
Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka naman puwede ninyong i-share sa amin. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?
Hello kay Lisa ng Gachnang, Switzerland. Mabilis daw ang recovery niya from knee surgery. Patuloy daw ang rehabilitation niya at araw-araw may nakikita siyang improvement. Gusto na raw niyang makabalik na sa trabaho.
Huwag kang mag-alala, Lisa. Pag ganyang positive ang outlook mo, madali kang gagaling at, siyempre, madali ka ring makakabalik sa trabaho. We are all praying for you.
Happy birthday kay Joy ng Valenzuela City. Nag-celebrate siya ng 35th birthday last Thursday at ginanap daw ang handaan sa isang Korean restaurant sa Makati.
Naku, mukhang malaking handaan, ah. We wish you the very best, Joy.
May ipinasa sa aking picture. Actually, dalawang kuha sa isang picture. Iyong una, picture ng mga Christian sa Egypt na nakapalibot sa mga Muslim bilang proteksiyon sa mga ito habang nagdarasal noong panahon ng Egyptian revolution. Iyong ikalawang kuha naman ay larawan ng mga Muslim na nagbibigay ng proteksiyon sa mga Kristiyano na nakikinig ng Misa sa isang lugar din sa Egypt.
Alam niyo napaluha ako noong makita ko iyong mga larawan. Sana ganyan ang maging attitude nating lahat. Napakaganda naman talagang tingnan na naggagalangan tayo ng pananampalataya ng isa't isa. Sa totoo lang napabuntunghininga nga ako noong makita ko iyong picture.
Mamaya ang Chinese recipe natin sa kusina ni Kuya Ramon ay Fried Stuffed Crabs. Walang iwanan, ha?
I NEED YOU
(AMERICA)
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "I Need You," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng America. Ang track na iyan ay lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang text messages.
Sabi ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "bumaba na si manong sa makati city hall. abangan n lang natin ang mga susunod na kabanata. Di natin alam kung ano ang mangyayari."
Sabi naman ni Arnold ng Libertad, Pasay City: "bka pagdating ng oras hinde makatakbo c Vice-President Binay bilang pangulo ng PHL. Kabi-kabila ang atake sa kanya, eh."
Sabi naman ni Edith ng Taytay, Rizal: "parang mas madali atang lutuin yung mga recipes mula sa southern China. mas readily available mga ingredients."
Sabi naman ni Charlene ng Aguinaldo Highway, Imus, Cavite: "Sa tingin ko, relevant na relevant sa kasalukuyang panahon iyong sinabi ni Mother Teresa na "Some people come into your life as blessings. Some come into your life as lessons." Totoong totoo, di ba?
Sabi naman ni Dennis ng Barrio Ugong, Pasig City: "d2 satin tlagang bawal magkasakit. mahal ang gamot, dr., at ospital. d2 lang ata satin ganyan. sobra tlaga. kawawa mga walang pera."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga SMS.
OF ALL THE THINGS
(DENNIS LAMBERT)
At sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Fried Stuffed Crabs...
FRIED STUFFED CRABS
Mga Sangkap:
2 buhay o lutong alimango
3 kutsara ng breadcrumbs
1 dried black mushrooms, ibinabad at hinimay
1 spring onion, tinadtad nang pino
1 kutsara ng tinadtad-nang-pinong celery
1/2 kutsarita ng asin
White pepper
Ilang patak ng sesame oil
1 itlog, binati nang kaunti
1 kutsarita ng harina
Mantika para sa pagpiprito
Paraan ng Pagluluto:
(Note: Iyong black mushroom, spring onion, celery, asin at white pepper ay para sa seasoning.)
Kung buhay na alimango ang gagamitin, pakuluan ito sa maraming tubig sa loob ng 10 minuto. Pagkaluto, maingat na tanggalin ang shell sa likod tapos itabi muna ito.
Tanggalin ang lahat ng laman sa katawan, mga paa at mga sipit ng alimango. Huwag isasama iyong bony tissue. Pira-pirasuhin nang manipis ang crab meat tapos haluan ng seasoning at itlog. Hatiin ang mixture tapos ipalaman sa crab shells. Budburan ang ibabaw ng kaunting harina.
Mag-init ng maraming mantika sa kawali at iprito ang stuffed crabs sa loob ng isa o dalawang minuto hanggang maging golden brown. Sa pagpiprito, dapat iyong parteng may harina ang nasa ilalim. Pagkaprito, puwede nang i-serve. Samahan ng chilli sauce sa pagse-serve.
ABOT-KAMAY NA BIYAYA
(PENNY TAI)
Mula sa album na may pamagat na "Basta Awitin Mo," iyan ang "Abot-kamay na biyaya na inawit ni Penny Tai.
May maikling mensahe si Alice ng Ayala Avenue, Makati City. Sabi ng Mensahe: "Kuya Ramon, gusto ko lang i-share ang isang inspiring quotation doon sa mga may mabigat na problema at nagtatanong kung bakit nagkaroon sila ng ganoong problema: 'There are moments when troubles enter our lives and we can do nothing to avoid them. But they are there for a reason. Only when we have overcome them will we understand why they were there.-- Paolo Coelho"
Wow, swak na swak doon sa mga may mabigat na problema. Thank you, Alice.
May ilang mensahe pa.
Sabi ni Tintin ng Bangkal, Makati: "Hi, Kuyang! Sana ok lang kau jan. gus2 q lang magparamdam at ipaalam sayo na lagi aqng naki2nig sa kape't tsaa sa podcast."
Sabi naman ni Rose ng Bacood, Sta. Mesa: "thank U 4 playing my fav tunes. cge pa, kuya. 60s and 70s pa more!"
Sabi naman ni Alda ng Asturias, Sampaloc, Manila: "Salamat sa souvenir items, kuya ramon. isinabit q na sa harap ng study table q pra d q kau makalimutan."
Salamat sa inyong mga mensahe, Tintin, Rose at Alda.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |