|
||||||||
|
||
July 12, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "Habang nabubuhay may problema, pero habang may hininga may pag-asa."-- Anonymous
Hello sa lahat ng mga kababayan diyan sa Shunyi, Beijing. Nag-potluck daw kayo kagabi. Masaya ba? Anu-ano ang mga dinala ninyong pagkain, mga Filipino food ba? Kuwentuhan niyo naman kami.
Congratulations kay Alice ng Ayala Avenue, Makati. Na-promote raw siya sa trabaho. Ayos iyan, Teh. Blow out naman diyan.
Salamat kay Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch at kay Dr. George ng george_medina56@yahoo.com sa moral support.
Ilang piling mensahe...
Sabi ni Carlo ng Lumban, Laguna: "#eleksiyon2016 asahan niyo gagamitin ng mga pulitiko maritime issue between china and phl para isulong kandidatura nila."
Sabi naman ni Evelyn Sy ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Huwag nga tayo gaya-gaya sa US. di komot nirecognize nila same sex marriage, ganun din gagawin natin sa bansa natin. Maging independent minded naman tayo. Huwag tayong magtago sa anino ng amerikano."
Sabi naman ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "Hi, Mhon! I think something is really wrong with our political system. Our politicians will never grow in maturity under this system. If our politicians are politically immature, there is nothing much we can expect."
Salamat sa inyo.
Mamaya, sa ating culinary portion, ang Chinese recipe natin ay Pork Bone Soup. Walang kalasan, ha?
PLEASE DON'T ASK ME
(JOHN FORNHAM)
Narinig ninyo ang awiting "Please Don't Ask Me" ni John Pornham. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Uncovered."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang text messages...
Sabi ni Isko ng Lemery, Batangas: "Ayos rin yung naisip ni Manny na bisitahin nilang mag-asawa si Mary Jane sa kulungan nito sa Indonesia. Nakakaiyak yung tagpo. Naluha ako."
Sabi naman ni Claire Santos ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga: "kung wala lang third party mas madaling ma3yos ng PHL at china ang gusot nla. kaso mo pinasukan ng US at japan kaya naging complicated."
Sabi naman ni Annie Tanchico ng IBM Peralta Quiapo: "masarap din pala i2ng simple noodles na pinipresent niyo. cge, noodles pa more. enjoy pa more."
Sabi naman ni Fely ng Carmona, Cavite: "Patuloy pa rin ang pagdarasal namin para tuluyang makaligtas sa kamatayan si Mary Jane. Naniniwala kami na siya ay biktima lamang at walang kasalanan."
Sabi naman ni Lanie ng Espana, Sampaloc, Manila: "hindi pa malakas ang mga nagdaang bagyo pero malalim na ang baha sa maraming lugar at malaki-laki rin ang pinsala. paano na kung super typhoon ang manalasa sa atin?"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga SMS.
PAGKARAAN NG ISANG LIBONG TAON
(LAM JUNJIE)
Iyan naman ang "Pagkaraan ng Isang Libong Taon," na inawit ni Lam Junjie at hango sa album na may pamagat na "Number 89757."
At sa culinary portion ng ating programa ngayong gabi, ang Chinese recipe natin ay Pork Bone Soup...
PORK BONE SOUP
Mga Sangkap:
500 grams ng meaty pork ribs
2 buong cloves ng garlic, may balat pa
2 kutsarita ng asin
1 1/2 kutsara ng malapot na black soya sauce
Paraan ng Pagluluto:
Bilihin ang pork ribs na pinutol sa habang mga 8 centimeters. Hiwaan hiwaan nang mababaw ang garlic. Huwag itong tatadtarin o didikdikin.
Ilagay ang pork ribs, garlic at iba pang mga sangkap sa bowl na may takip at pausukan sa loob ng 2-3 oras hanggang sa lumambot ang karne. Isilbi sa malaking soup bowls na may kasamang side-dish na ginayat na sariwang red chilli na may light soya sauce.
AWIT NG KAPANGLAWAN
(A SANG)
"Awit ng Kapanglawan," inawit ni A Sang at hango sa album na may katulad na pamagat.
Punta naman tayo sa ating quotation portion. Naks, huh, quotation portion. Mayroon ditong quotation na gustong i-share si Mato ng Kahilom 2, Pandacan, Manila:
"If a man is brave enough to love you after you broke his heart, I guarantee you, he is the one."
Salamat, Mato. Are you speaking from experience? Magsabi ka ng totoo.
May ilang SMS pa...
Sabi ng San Andres Boys: "basta kami sarado Serbisyo Filipino ke me empi o wala. ganyan tlaga kami."
Sabi naman ni Arnold ng Libertad, Pasay City: "Siguro dapat ang iboto natin ay iyong mga lesser plastic na kandidato. Lahat naman yan nagpapaepal lang, eh.
Sabi naman ni Joan Sy ng Benavidez, Binondo, Manila: "sa short wave at AM kami naki2nig, kuya ramon. sinusubay2an nmen mga balita @ iba pa nyong programa. slamat sa information
Salamat sa inyo, San Andres Boys at sa inyo rin, Arnold at Joan.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |