|
||||||||
|
||
July 19, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "If you're alive, there's a purpose for your life."-- Rick Warren
Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka naman puwede ninyong i-share sa amin. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?
Advance happy birthday kina Nina ng New Territories, Hong Kong; Marife ng Dalian City; at Johna ng Tianjin. Ano ba ang plano ninyo sa inyu-inyong birthday? Balitaan niyo naman kami.
Nagpapasalamat si Jane ng Riyadh, Saudi Arabia dahil mahusay daw iyong inirekomenda naming TCM doctor dito sa Beijing. Nakalabas na raw ng hospital at nakauwi na sa Pinas iyong kapatid niyang may sakit sa puso.
Noong July 16, sinariwa natin sa alaala iyong lindol na naganap noong 1990. Yumanig ang lindol mga bandang 4:26 ng hapon noong July 16, 1990. Ang lindol na may lakas na 7.8 sa Richter scale ay nanalanta mula sa Aurora hanggang sa Nueva Ecija, at ang karamihan sa 1,600 na namatay ay mula sa Baguio, Dagupan at Cabanatuan. Sana hindi na maulit ang pangyayaring iyon kahit pa sinasabi ng mga eksperto na anumang sandali ay maari tayong yanigin ng kasing-lakas na lindol.
Mamaya sa kusina ni Kuya Ramon, ang Chinese recipe natin ay Chinese consomme. Stay put lang kayo, ha?
I JUST WANNA STOP
(GINO VANNELLI)
Iyan, narinig ninyo ang ating opening salvo, "I Just Wanna Stop," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Gino Vannelli. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "Brother to Brother."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang SMS.
Sabi ni Lucy ng Circumferential Road, Antipolo: "dpat pagdasal ntin di lang tahimik na eleksyon kndi malinis na eleksyon @ tamang pagboto ng mga btante."
Sabi naman ni Wendel ng San Juan de Letran College: "sana sa pamu2no ng bagong pnp chief, mabawasan n kundi man mawala ang mga suwail na police officers. kkinis na rin, eh."
Sabi naman ni Joyce ng San Pedro, Laguna: "Napakaga2ra @ napakaku2lay ng mga post niyong litrato ng pluto. Gus2 k ipablowup @ ipaprint."
Sabi naman ni Mercy ng Teachers Village, Quezon City: "Nung una nagaala2 cla dahil kumukonti raw tubig sa Angat Dam. Ngaun nagaala2 cla baka raw umapaw. Nuba yan?"
Sabi naman ni Juliet ng Carola, Sampaloc, Manila: "nu anyari s mga pumping stations natin? bat di nla pag2unan ng pansin mga i2 para mabawasan nman baha di2 sa Metro Manila?"
Thank you so much sa inyong text messages.
VERY SPECIAL LOVE
(MAUREEN MCGOVERN)
Iyan naman ang "Very Special Love" ni Maureen McGovern. Ang awiting iyan ay hango sa studio album na pangalan ng umawit ang ginamit na pamagat.
Punta na tayo ngayon sa Kusina ni Kuya Ramon. Gaya ng nasabi ko kanina, ang recipe natin ay Chinese Consomme o basic stock o basic soup...
CHINESE CONSOMME
Mga Sangkap:
1 kutsarita ng cooking oil
1 clove ng bawang, dinikdik
Humigit-kumulang 5 gramo ng buto ng baboy o buto, ulo o paa ng manok o ulo at tinik ng isda
2 gayat ng luya
1 katamtamang laking sibuyas, ginayat
2 tangkay ng local celery na may dahon o isang malaking celery
8 butil ng pamintang buo
1/4 na kutsarita ng vetsin
Asin ayon sa panlasa
4-6 na tasa ng tubig
Paraan ng Pagluluto:
Mag-init ng mantika sa kawali. Igisa ang bawang hanggang magkulay brown. Alisin ang bawang tapos idagdag ang lahat ng mga iba pang sangkap. Ilaga sa loob ng 1 oras. Salain pagkaraan.
Sa pagsisilbi ng simple soup bilang bahagi ng Chinese meal, lagyan ang sabaw ng kaunting talbos na tulad ng lettuce, spinach, silver beet, watercress, mustard greens, Chinese cabbage o ginayat na lotus root. Budburan ng tinadtad na spring onion o coriander leaf.
Isilbi pagkalutung-pagkaluto. Okay?
Magpapatuloy tayo...
THE ONE FOR ME
(LUO ZHIXIANG)
"The One for Me," inawit ni Luo Zhixiang at buhat sa album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."
Sabi ni Grace ng Swiss Hotel Beijing, kanina raw pagkatapos ng misa sa South Cathedral ng Beijing, isang Indian businessman ang nag-sponsor ng free coffe and cookies sa patio ng cathedral para sa lahat ng parishioners. Dahil daw doon, nagkasama-sama at nagkakila-kilala ang mga parishioner mula sa iba't ibang bansa. Iba raw pala ang feeling pagka ganoong nagkakasama-sama ang mga parishioner hindi lamang kung may misa kundi pagkatapos ng misa. Ang feeling mo raw ay para lang kayong magkakapamilya. First time raw niyang naranasan iyon dito sa Beijing.
Salamat sa masayang balita, Grace. Sana laging may ganyan, ano? Kasi maganda nga rin iyong nagbo-bonding ang mga parishioner pagkatapos ng misa para maging close sila sa isa't isa at magturingan sila na parang magkakapamilya.
Ilang SMS pa...
Sabi ni Divine Garcia ng Congressional Road, Project 8, Quezon City: "Dapat unahin nila yung problema sa baha bago ibang problema. Sagabal sa trabaho at negosyo ang baha, eh."
Sabi naman ni Joanne Sy ng Binondo, Manila: "Sana magliwanag ang isip ng mga botante sa 2016 para hindi magkamali ng iboboto. Marami nang kinakaharap na hamon ang bansa."
Sabi naman ni Mitch Fuljante ng Galas, Quezon City: "Huwag nating biru-biruin ang issue ng climate change. Nararamdaman na natin ang epekto nito."
Salamat sa inyong mga mensahe, Divine, Joanne at Mitch.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |