Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-25 2015

(GMT+08:00) 2015-09-01 14:15:45       CRI

July 26, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "When we are judging everything, we are learning nothing."-- Steve Maraboli

Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka naman puwede ninyong i-share sa amin. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?

Congratulations and bon voyage kay Lindsay ng Chaoyang District, Beijing. Na-promote siya sa pinapasukang French company dito sa Beijing at ngayon papunta na siya sa sangay ng kanilang company sa Vietnam. Good luck, Lindsay, ha?

Ilang piling mensahe...

Sabi ni Pia ng Dinalupihan, Bataan: "Sang-ayon ako sa tinatawag nilang daang matuwid. Iyon naman talaga ang dapat nating tahakin. Pero mahirap nating maabot iyan sa ating kasalukuyang sistema na sobra-sobra ang democratic space. Lahat kelangang pakinggan. Lahat gusto pabor sa kanila. Paano na iyan?"

Sabi naman ni Francy ng Paz, Paco, Manila: "Sa tingin ko ang kailangan nating mga Pilipino ay trabaho. Yan ang dapat pagtuunan ng pansin ng susunod na pangulo. Ang kawalan ng trabaho ang pangunahing dahilan kaya maraming napipilitang gumawa ng masama. Trabaho. Lumikha sana sila ng maraming trabaho."

Thank you so much, Pia and Francy.

Mamaya, sa Kusina ni Kuya Ramon, ang Chinese recipe natin ay Sichuan Sour Hot Soup. Walang kalasan, ha?

MY FAIR SHARE
(SEALS AND CROFTS)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "My Fair Share," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Seals and Crofts. Ang track na iyan ay lifted sa soundtrack album na may pamagat na "One on One."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages...

Sabi ni Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Huwag tayong mapanghusga sa kapuwa dahil darating ang araw tayo naman ang huhusgahan, at maaring mangyari iyan kung hindi man sa ating lifetime sa kabilang buhay."

Sabi naman ni Mel San Juan ng Ermita, Manila: "nka2tawa, ang mga dayuhan d2 satin nagaaral ng wikang filipino pero marami sa ating mga kaba2yang Pilipino ang mga inglesero. shame, shame, shame..."

Sabi naman ni Celesti ng Kowloon, Hong Kong: "wag taung magbibili ng boto. di ntin ikaya2man yun. tanggapin lang natin kung may iaabot na pera pero iboto pa rin natin ang siyang nararapat. kelangan ding maging wise tau paminsan-minsan, hehe."

Sabi naman ni Jocelyn Golondrina ng Mandaluyong, Metro manila: "nupanga ba? cempre kung walang-wala ka ultimo mga kaibigang naturingan e lalayu sayo. yan e isang mapait na ka22hanan. ganyan tlaga. tau lang."

Sabi naman ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Buti nga kung maraming tatakbo sa pagka-presidente para mas marami tayong mapagpilian. Hirap ngayon ang labanan, eh."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga SMS. Salamat din sa +63 917 483 2281; +63 919 651 1659; +86 138 1140 9630; +86 134 2612 7880; at +41 792 844 823.

WHEN WILL I SEE YOU AGAIN
(THREE DEGREES)

Iyan naman ang "When Will I See You Again" ng Three Degrees. Ang awiting iyan ay hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Punta na tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Sichuan Sour Hot Soup...

SICHUAN SOUR HOT SOUP

Mga Sangkap:

30 grams ng karne ng baboy, shredded o hiniwa nang makitid at pahaba
30 grams ng chicken breast, shredded
2 kutsarita ng peanut oil
2 kutsara ng cloud ear fungus, ibinabad
4 na malaking black mushrooms, ibinabad at hiniwa nang makitid at pahaba
100 grams ng malambot na bean curd, hiniwa nang pa-cube
3 tasa ng sabaw ng manok
1 kutsarita ng malabnaw na soy sauce
1 kutsarita ng Chinese rice wine
1 kutsarita ng sesame oil
2-3 kutsarita ng malt vinegar
1/2 kutsarita ng chilli oil (optional)
Asin
1 kutsara ng cornflour, inihalo sa 1/4 na tasa ng tubig
1 itlog, binati nang kaunti
Puting paminta
Spring onion, tinadtad nang pino

Paraan ng Pagluluto:

Sa mahinang apoy, iprito ang karne ng baboy at ang chicken breast sa peanut oil hanggang sa magbago ang kulay. Idagdag ang ibinabad at pinatulong fungus at mushrooms at haluin. Ilagay ang bean curd at sabaw ng manok. Ilaga sa loob ng 10 minuto. Idagdag ang lahat ng mga seasoning liban sa paminta at ilaga sa loob ng 3 minuto. Palaputinsa pamamagitan ng mixture of cornflour and water.

Bago isilbi, ihalo ang binating itlog at budburan ng puting paminta. Ilagay din ang tinadtad na spring onion bilang garnish.

THE POWER OF LOVE
(F. I. R.)

Mula sa album na may pamagat na "Unlimited," iyan ang "The Power of Love" ng F. I. R.

Salamat kay Nina ng New Territories, Hong Kong. Pinadalahan niya ako ng cook book ng Asian foods. Ang ganda. Makapal at hardbound. Salamat uli, Nina, at kumusta sa lahat ng mga kaibigan diyan sa New Territories, ha?

Mga pahabol na mensahe...

Sabi ni Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arabia: "Pards, nasira na yung SW set ko pero tuloy pa rin ang ligaya dahil may podcast naman kayo. Dito ako laging nakatutok kung gabi."

Sabi naman ni JunJun ng Katipunan Road, Quezon City hinggil sa pagkukumpara kay Elton John at John Denver. Sabi niya: "Hindi puwedeng paglabanin si Elton John at John Denver kasi si Elton ay rakista at si john Denver naman ay folk singer."

Siya nga naman...

At sabi naman ni Marvin ng P. Faura, Ermita, Manila: "Hindi ko alam ang opinion ng iba pero as for me, there is only one thing worth dying for and that's my Christian faith."

Maraming-maraming salamat sa inyo, Lucas, JunJun at Marvin.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-24 2015 2015-08-27 10:58:03
v Gabi ng Musika Ika-23 2015 2015-08-20 10:03:00
v Gabi ng Musika Ika-22 2015 2015-08-13 10:54:47
v Gabi ng Musika Ika-21 2015 2015-08-06 10:07:57
v Gabi ng Musika Ika-20 2015 2015-07-30 16:37:17
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>