Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-26 2015

(GMT+08:00) 2015-09-08 14:23:58       CRI

August 2, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Happiness is the secret to all beauty. There is no beauty without happiness."

Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka naman puwede ninyong i-share sa amin. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?

Congratulations sa Beijing at sa lahat ng Beijingers. Nanalo ang kapital na lunsod sa bid nito para mag-host ng 2022 Winter Olympics. Deserve naman ng Beijing iyan. Malawak ang karanasan ng lunsod sa pagho-host ng ganyan kalaking sports events at namalas natin iyan noong mag-host ito ng 2008 Olympics. Congratulations uli sa lahat ng mga kaibigan sa Beijing at sa lahat na rin ng mga kaibigan sa mainland.

Iyong mga kababayan mula sa Denmark na nagpunta ng Beijing para dumalo sa isang seminar ay nagkaroon daw ng problema sa airport noong papauwi na sila. Alam ba ninyo kung ano ang problema? Overweight ang kanilang luggage. Namili raw nang namili ng kung anu-ano bago umuwi kaya hayun kailangang magbayad sila ng excess weight. Mga babae nga naman.

May tanong si Edwin ng Malolos, Bulacan. Sabi niya: "Paano kaya natin maiiwasan ang dayaan sa eleksiyon? Parang kakambal na ng eleksiyon natin ang dayaan, eh. Mananatili na lang bang pangarap ng mga botanteng Pilipino ang pagkakaroon ng malinis at patas na eleksiyon?

Iyan, sagutin ninyo iyan.

Mamaya, sa Kusina ni Kuya Ramon, ituturo ko sa inyo kung papaano mag-prepare ng Soya Bean Milk. Huwag kayong aalis, ha?

SO FAR AWAY
(CAROL KING)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "So Far Away," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Carol King. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Tapestry."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages...

Sabi ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "dpat nmang iprotesta ntin pagta2mbak ng ibang bansa ng basura sa'tin. abuso de compiansa na pu yun. sobra sobara na basura d2 sa 'tin. wag na nlang dagdagan."

Sabi naman ni Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila: "sabihin na lang nila gustu nilang sabihin pero tlaga namang napakarumi ng pulitika d2 sa pinas. yung mga tagasunod at tagasuporta ng mga pulitiko mas grabe pa sa mga pulitiko mismo pagka minsan."

Sabi naman ni Ed Cordero ng United Paranaque: "Walang nakakaalam kung kelan magaganap yung 'the big thing' na sinasabi ng mga scientists natin, kaya kelangan talagang magdaos tayo ng mga shake drills now and then. Bettter be ready than sorry."

Sabi naman ni Librada Cinco ng Northbay Boulevard, Navotas: "sama tau sa ginagawang pagdarasal araw-araw maligtasan natin yung maaring maganap na lindol. mas mabuti nga sana kung di na lang yun mangyari."

Sabi naman ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila: "Sana ma-address ng susunod na pangulo ang issue ng criminality, baha at trabaho. sa tingin ko iyan mga pangunahing problema natin sa ngayun."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga SMS.

I GO CRAZY
(PAUL DAVIS)

Iyan naman ang "I Go Crazy" ni Paul Davis. Ang awiting iyan ay hango sa album na may pamagat na "Singer of Songs, Teller of Tales."

SOYA BEAN MILK

Mga Sangkap:

1 tasa ng pinatuyong soya beans
6 na tasa ng tu
4 na kutsara ng asukal, o mahigit pa depende sa panlasa
2 dahon ng pandan (optional)
Ilang patak ng almond essence

Paraan ng Pagluluto:

Ibabad magdamag ang soya beans sa malamig na tubig. Hanguin, patuluin at banlawang mabuti. Gilingin nang pinung-pino gamit ang blender o food processor o durugin (nang pinung-pino rin) gamit ang almires. Kung machine ang gagamitin, maaring kailanganing magdagdag ng kaunting tubig sa pagigiling.

Ilagay ang giniling o dinurog na beans sa isang malaking bowl. Pakuluan ang asukal at dahon ng pandan bago dahan-dahang ibuhos sa giniling na beans tapos ibuhos ang lahat ng iyan sa kaserola at pakuluin. Halu-haluin habang pinakukulo. Pagkaraan niyan, gamit ang salaan, isalin ang tubig sa kaserola at pakuluing muli. Alisin sa apoy at hayaang lumamig. Idagdag ang almond essence at isilbi pag malamig na malamig na.

YOU ARE MY ROSE
(PANG LONG)

"You Are My Rose," inawit ni Pang Long at buhat sa album na may katulad na pamagat.

May mga pahabol ditong SMS.

Sabi ng +86 134 261 27880: "Iba na rin pala kung marunong kang magluto. Nakakasiguro ka na malinis at mayaman sa nutrisyon kinakain mo."

Sabi naman ng +63 920 950 2216: "Mas maganda talaga, Kuya, kung hindi ka umaasa nang 100% sa alinmang bagay o sinumang tao. Mas less ang disappointment mo."

Sabi naman ng +41 792 844 823: "kung minsan naman kahit di nadaya isang kandidato cnasabi niya na nadaya cya dahil di nya matanggap na cya ay natalo. marami sa mga pulitikong pinoy ang ganyan."

Salamat sa inyo. Salamat talaga.

Nagtatampo raw si Liat ng Orani, Bataan dahil hindi ko binabasa iyong mga isini-share niyang quotations.

Ikaw talaga...Heto, meron ditong isa. Sa iyo galing ito: "Troubles are meant to teach us to be consistent and persistent in prayer."-- P. B. Joshua

Salamat, Liat. Pasensiya na, ha?

Meron pang isa pero ito ay padala ni Mato ng kahilom 2, Pandacan, Manila: "Tandaan: Kung si God ang palagi mong inuuna, hinding-hindi ka niya ihuhuli."-- Sen. Miriam Defensor Santiago

Iyan. Salamat, Mato.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-25 2015 2015-09-01 14:15:45
v Gabi ng Musika Ika-24 2015 2015-08-27 10:58:03
v Gabi ng Musika Ika-23 2015 2015-08-20 10:03:00
v Gabi ng Musika Ika-22 2015 2015-08-13 10:54:47
v Gabi ng Musika Ika-21 2015 2015-08-06 10:07:57
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>