Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ferdinand Miguel : Mga Hamon ng ESL Teacher

(GMT+08:00) 2014-05-13 15:41:26       CRI

27 taong gulang si Ferdinand Miguel nang magdesisyon siyang subukin ang pagtuturo sa ibang bansa. Ingles ang asignatura at bitbit niya ang ilang taong karanasan bilang propesor sa unibersidad. Pero sa bagong trabaho di naging sapat ang mga kaalamang ito.

Sa kanyang pagsisimula bilang ESL Teacher sa Owen Foreign Language School sa Chongqing Tsina di umubra ang istilo niya sa pagtuturo. Di rin siya nagustuhan ng mga estudyanteng Tsino.

Sa programang Mga Pinoy sa Tsina, alamin mula kay Ferdinand Miguel kung paano niya natutunan ang epektibong paraan para magtagumpay bilang ESL Teacher. Alamin din kung ano ang naiambag niyang iba pang skills o kakayahan bukod sa pagtuturo na naging susi para tumagal siya sa Owen Foreign Language School at maging bahagi sa pag-unlad nito di lang sa Chongqing kundi sa karatig lunsod ng Chengdu at Kunming.

Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos kay Ferdinand Miguel sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Kung gamit ay desktop siguruhing ito'y may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Kung tablet at smartphone ang gamit, mapapakinggan ang programa sa pamamagitan ng Podcast hanapin lang ang Kape't Tsaa.

Pagkakataon para maghilom ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon si Ferdinand Miguel na magturo ng Ingles sa Chongqing

 

Ilan sa mga estudyanteng Tsino na masayang nag-aaral ng wikang Ingles kasama ang kanilang guro na si Ferdinand Miguel

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>