|
||||||||
|
||
MPST20140521SM.m4a
|
Si Frances Giselle Ng, SM Regional Operations Manager
Nagsimula sa isang tindahan ng sapatos sa Maynila noong 1958 ang ngayo'y itinuturing na pinakatinatangkilik na mall sa Pilipinas. Ito ang SM Malls.
Ngayong 2014 isa-isang bubuksan ang mga bagong SM Malls sa Cauayan at Angona, at pasisinayaan na rin ang SMX Center sa Bacolod. Para sa mga Pilipino ang SM ay lugar kung saan pwedeng mabili ang lahat ng kailangan mo sa murang halaga.
Sina Alex Ai, SM Marketing Manager, Ernest Wang at Mac Ramos ng CRI, Lolita Balansag ng Konsulada ng Pilipinas sa Chongqing at si Frances Giselle Ng (kanang dulo) SM Regional Operations Manager
Sa Tsina, unti-unti na ring lumalago ang operasyon ng SM Prime Holdings Inc. Target ng kumpanyang mula sa 5 kasalukuyang malls na bukas, magiging 11 ito sa loob ng 5 taon.
Mahigit isang taon nang bukas ang SM City Chongqing at pagpasok sa loob ng mall, di malayo ang pakiramdam sa mga SM Malls sa Pilipinas. Ibinahagi ni Frances Giselle Ng, Regional Operations Manager ang mga business principles na siyang susi sa patuloy na tagumpay ng SM sa Tsina.
Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Kung gamit ay desktop siguruhing ito'y may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Kung tablet at smartphone ang gamit, mapapakinggan ang programa sa pamamagitan ng Podcast hanapin lang ang Kape't Tsaa.
Sinehan sa loob ng SM na may modernong pasilidad
Gaya ng mga SM Malls sa Pilipinas, ang SM City sa Chongqing ay may department store rin
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |