|
||||||||
|
||
Syempre sa bawat pagtitipong sa pasuguan hindi pwedeng mawala ang mga bandang Pinoy. Bilang opening number inawit ng TC4 Band na kinabibilangan nila Maria Cielo Plata, Rene Lumague, April Manzano at Joel Resurreccion ang "We Are Family."
Ang Reign Band nila Allan Dionio, Paul Bautista at Caroline Lumakang ay umawit naman ng mga kilalang Chinese pop songs. Samantala, ang theme song ng event na "Hawak Kamay" ay kinanta naman ng Stagelights na kinabibilangan nina Ramon Almazan, Rosabelle Denuna, Flordeliz Cabilida at Venus Doria.
Bukod sa concert, tampok din ang pagkaing Pinoy gaya ng kare-kare, chicken adobo, lumpia, sinigang na baboy, inihaw ng bangus at ensaladang talong. Meron ding mga kakaning Pinoy tulad ng biko, maja blanca, sapin sapin, cuchinta at marami pang iba. At may palaro din sa mga bata at matatanda tulad ng pabitin, pukpok palayok, bring me, relay at tug of war.
Pinaka exciting na part ng program ang Arnis Demo ni Rhio Zablan kasama si Lin Chi isang Tsino. Ang arnis ay isang sinaunang sining ng pakikipaglaban na kasaluyang ibinabahagi ni Rhio sa mga taga CRI at mga taga Beijing Sports University.
Pakinggan ang highlights ng Hawak-Kamay: Philippine-China Friendship Lunch and Concert sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Larong Maria Went to Town, kuha ni Alex de Dios ng POP Beijing
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |