Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gilbert Unica: Usapang Visa at Pamumuhay ng mga Pinoy sa Kunming

(GMT+08:00) 2015-08-19 17:53:14       CRI

Ang Kunming ay kabisera ng lalawigang Yunnan na makikita sa timog kanluran ng Tsina. Ang lalawigan ay malapit sa ilang bansang Southeast Asian. Ang Kunming ay isang transportation hub patungo sa Vietnam, Myanmar at Laos.

Pagdating sa kalakalan ang Kunming ay sentro ng Greater Mekong Subregion o GMS. Binubuo ito ng mga bansang Tsina, Myanmar, Thailand, Cambodia at Vietnam. Mahalaga ang papel ng GMS lalo na sa pagpapasulong ng ASEAN Free Trade Area. Sa mabilis na pag-unlad ng Kunming, resulta nito ay ang pagdami rin ng mga oportunidad para sa mga Pilipino.

Filipino Community sa Kunming

Nitong Hunyo dumalaw ang crew ng MPST sa Kunming at naki-isa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng dinaluhan ng Filipino Community mula sa Kunming, Lijiang at iba pang karatig na lunsod. Bukod dito isinagawa rin ng Kunsulado ng Pilipinas sa Chongqing – na siyang namamahala sa Kunming, ang outreach program para sa mga kababayan natin doon.

Si Gilbert Unica

Dito nakilala ng inyong lingkod si Gilbert Unica, convenor ng Filipino Community at sampung taon nang nakatira sa Tsina. Ibinahagi niya ang kanyang mga saloobin pangunahin na hinggil sa mga pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Kunming. Patuloy ang demand para sa English teachers at pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino na magturo nito. May ilang concerns ding ikinuwento si Gilbert hinggil sa visa. At kanyang masayang ibinahagi ang ginhawa ng pagkakaroon ng magandang turingan sa mga diplomatang Pilipino na nakatalaga sa Konsulado ng Chongqing na siyang namamahala sa mga taga Kunming. Natalakay din ang ilang insidente kung saan tumulong ang Filipino Community ng Kunming sa mga nangangailangang kababayan.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Gilbert Unica sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>