Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Valessa Jane Dulin: Pinoy Iskolar na nagtapos ng Ph.D. in Higher Education sa Beijing

(GMT+08:00) 2015-07-28 17:40:21       CRI

Ani Valessa Jane Dulin leap of faith ang pagpunta niya sa Tsina . Sa dinami-dami ng pamantasan, pinili niyang mag-aral sa Beijing Normal University na nagbukas ng English program sa kauna-unahang pagkakataon. "Lord surpise me, guide me," panalangin ng tubong Sultan Kudarat na guro, dumating siya sa Beijing walang kakilala at walang masyadong alam tungkol sa Tsina. Marami siyang pinagdaanan, at sa tulong ng mga ito nagpapasalamat siyang napawi ang lahat ng duda sa sarili mas naging mature siya at nahanap ang makabuluhang direksyong tatahakin sa hinaharap.

Si Valessa, kasama ang mga kaeskwela mula sa ibat ibang bansa habang isinasagawa ang research apprentice class

Salu-salu na inihanda ng Higher Education Institute ng BNU para sa mga nagtapos

Mahilig magbyahe si Valessa at narating niya ang iba't ibang lunsod gaya ng Liaoning at Shenyang. Matapang dahil solo sa kanyang pamamasyal at gusto hangga't maari na lahat ay masubukan. Ito aniya ay mga karanasang di niya malilimutan sa kanyang pamumuhay sa Tsina.

Winter party sa unang taon ni Valessa Dulin sa Beijing

Matapos ang tatlong taon graduate na sa Beijing Normal University at may diploma sa Ph.D in Higher Education si Dr. Valessa Jane Dulin. Babalik siya sa Mindanao para ibahagi ang mga bagong kaalaman sa isang state university sa Region 12. May bago siyang misyon, sabi niya "I want to teach teachers how to teach. At gamitin ang edukasyong magmumulat sa mata."

Si Vessa Dulin kasama ang kanyang supervisor na si Hong Chengwen (3rd from the right)  sa Graduation dinner ng BNU

Alamin ang iba pang mga karanasan ni Valessa Jane Dulin sa loob ng kanyang tatlong taong paninirahan sa Tsina sa interbyu ni Mac Ramos sa pekgramang Mga Pinoy sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>