Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dr. Raul Sunico: Ipinamalas ang angking talento sa Xiamen

(GMT+08:00) 2016-07-15 16:51:45       CRI

Inanyayahan ng Konsulado ng Pilipinas sa Xiamen na dumalo at magtanghal sa pagdiriwang ng Ika-118 Anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas ang acclaimed worldwide concert pianist na si Dr. Raul Sunico. Galing pa siya ng Europa para sa kanyang world tour at dumalaw siya sa kauna unahang pagkakataon sa Xiamen.

Si Dr. Raul Sunico

Dahil first ever performance sa Xiamen ni Dr. Sunico, hindi ito pinalagpas ng Filipino Community, kasama ang mga kaibigang Tsino, kanilang pinanood sa Kempinski Hotel ang konsiyerto na nagtampok ng western classical, Chinese at Filipino music.

Sa panayam ng China Radio International Serbisyo Filipino, sinabi ni Dr. Sunico na siya ay nagagalak sa kauna-unahan niyang pagdalaw sa Xiamen. Tinugtog niya ang mga classical pieces at hinaluan din ito ang ilang Filipino at Chinese songs. Isang estudyanteng Tsino aniya ang nagbigay ng mungkahing kanyang pag-aralan ang piyesang Colorful Clouds Chasing the Moon na likha ni Wang Jianzhong para masiyahan ang mga Tsinong bisita sa pagtatanghal. Samantala naantig naman ang damdamin ng mga Pinoy audience nang madinig ang kanyang bersyon ng Bato sa Buhangin ni Ernani Cuenco at ang Bayan Ko ni Jose Alejandrino.

Si Dr. Raul Sunico, kasama si Mac Ramos

Ayon kay Dr. Sunico may gusot man o wala ang cultural diplomacy ay laging ginagamit para mapasulong ang relasyon ng mga bansa. Kahit na may pagkakaiba, pagdating sa kultura lahat ng tao ay marunong magpahalaga at marunong tumingala sa kultura ng iba't ibang bansa. Nagpasalamat siya sa mga nanood at nagpaalala sa mga kababayang laging itayo ang dangal ng ating bansa sa pamamagitan ng mabubuting mga gawain. Tutulak patungong Amerika si Dr. Sunico para sa pagpapatuloy ng kanyang world tour.

Pakinggan ang ilang bahagi ng konsiyerto sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>