Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-48 2012

(GMT+08:00) 2012-12-04 15:18:55       CRI

Miss me, miss me, miss me? Yes, yes yes, ito muli si S-I-S-S-I, Sissi, ang inyong happy, ever happy DJ, I AM BACK~

Noong April, espesyal ang buwang ito kasi ikatlong anibersaryo ng Pop China, yes, 3 years na tayo sa ere. Espesyal din ito kasi Abril din nang isilang ko ang aking baby. Ito ang dahilan kung bakit di nyo ako narinig sa ere for sometime. Pitong buwang walang mga message reading, walang gossip sharing , walang music playing… Actually, medyo ninenerbiyos ako ngayon, hindi ko alam kung nandyan pa kayo, hinihintay ang Pop China, hinihintay si Sissi, sa tabi ng radyo tuwing Sabado ng gabi o sa espesyal na column ng Pop China sa aming website: Filipino.cri.cn. Hindi ko alam kung namiss ninyo ako tulad ng pagka- miss ko sa inyo. Nagugustuhan ninyo ang Pop China tulad ng Pagkagusto ko dito?

Ok, bumalik na ang inyong Happiest DJ-Sissi kaya balik ang saya sa PopChina .Lets warm up the program ngayong gabi sa tulong ni PSY at ang kanyang worldwide hit na "Gangnam Style".

Bagama't nakabakasyon ako kagi akong nakikinig sa Pop China bawat linggo at salamat sa lahat ng nagpadala ng mensahe habang wala ako. Sabi ni Mulong: sama kami diyan. sana makapanganak nang walang gaanong hirap si ate sissi. our very best at sabi ni Rolly: best wishes din sa aming happiest DJ. God bless, ate sissi. Salamat din kina cindy, Shaneil,Mato at sa lahat ng kaibigang nagmamalasakit sa akin at sa aking baby.

Ang aking baby girl, siya ay, ummm…cute as cute, sweet as sweet, palangiti sya kaya masaya ako. At pag lumuluha siya, malungkot ako, Madami akong natututunang bago dahil learning experience talaga ang pagiging isang ina. Tuwing umaga, paggising ko, hinintay ko siyang idilat ang kanyang mga mata at ngumiti sa akin. Sa gabi, pagnakatulog pinagmamasdan ko ang kanyang mukha habang papahimbing sya magsisimula ng managinip. Sa kasalukuyan, nakakaupo na siya at nananatiling masigla at masaya habang naglalaro ng mga laruan.

Pankinggan natin ang kantang "Let me love you" mula kay Yo, let me love you always, my baby at my friends.

Siyembre, dapat pasalamatan ang isa pang tao, walang iba kundi si …vice happy DJ-Ernest, salamat sa kanyang malaking pagsisikap sa panahon ng aking maternity leave, kahit lumiliit ang bilang ng listeners at nababawasan ang bilang ng mensahe, haha, biro lang, ibinuhos ni Ernest ang lahat ng kanyang passion at energy sa paghohost ng Pop China. Kaya, tuloy hanggang ngayon, wala pa siyang nahahanap na girlfriend. Natandaan ko, noong April, 28th birthday ni Ernest at ang wish nya ay makakita ang girlfriend. Ito rin ang 2012 New Year's wish niya at 27th birthday wish niya at 2011 New Year wish niya. Talagang excited na excited na siyang magkaroon ng girlfriend. Pero, nagaalala ako, itong darating na 2013 New Year's wish at 29th birthday ito pa din ang wish niya. Disyembre na, kaunti na lang ang panahon di ba?

Sana makahanap na sya ng mamahalin kaya pinili ko ang kantang "Dying to Meet U" na iniwit ng She's Only Sixteen para kay Ernest. Sinong babae kaya ang maaring magligtas kay Ernest sa kanyang pag-iisa? o Sino ang makapagbigay-tulong sa kanya at makapagpapakilala ng isang ideal girl sa kanya? Baka kailangang kunsultahin ang kanyang zodiac sign.

Speaking of zodiac signs, meron pang 12 araw bago ipalabas ang pelikulang Chinese Zodiac ni Jacky Chan ang inilaan sa pelikula. Kinunan ang pelikula sa 5 bansa at ipinakita ang mga tanawin dito. Sinabi ni Jacky na mas exciting ang mga stunts at effects ng kanyang bagong pelikula kaysa Mission Impossible at iba pang Hollywood films. Isa pang pangunahing dahilan kung bakit nakatawag ng malaking pansin ang pelikulang ito mula sa mga tagahanga ni Jacky ay ito ang ika-101 pelikula ni Jacky Chan at ito raw ang huling kungfu film na gagananapan ni Jacky. Pagkaraan nito, posibleng gumawa na siya ng ibang tipo ng pelikula o kaya ay magtrabaho behind the scenes.

Tulad ng mga dating pelikula ni Jacky Chan, ang Chinese Zodiac ay full of humor ng jack chan style na nagsalaysay ng isang Treasure Hunting story: Gumanap si Jacky Chan bilang Jack, isang bounty hunter, na nais kitahin ang malaking bonus na ibibigay ng cultural relics trader na si Lawrence. Ang misyon: hanapin ang apat na national treasure-Chinese Zodiac, sa iba't ibang sulok ng daigdig, pero, sa proseso, nag-fall-in-love siya kay Coco, anak na babae ng professor Guan, isang eksperto sa cultural relics. Sa bandang huli, naapektuhan nina Coco at Professor Guan si Jack. Kaya itinakwil ni Jack ang pera at tinulungan nya si Coco sa pagliligtas ng mga national treasure.

At naririnig ninyo ang theme song na "petty thief" ng pelikula na magkasamang inawit nina Jacky Chan at Emil Wakin Chau. Para mapanood ang pelikula dito sa mainland, kailangang hintayin pa namin ang 2 linggo. Pero, ang theme song nito, right here, right now ay mapapakinggan ninyo sa Pop China hatid ng inyong Happy DJ na si Sissi.

Ok, diyan nagtatapos ang ating programa ngayong gabi.. Ito muli si Sissi at sa ngalan ng lahat ng miyembro ng Serbisyong Filipino, sana lagi po kayong happy with a sound mind and body! magandang gabi!

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-47 2012
Pop China Ika-46 2012
Pop China Ika-45 2012




                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>