|
||||||||
|
||
Noong isang linggo, tinalakay natin ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa bagong First Lady ng Tsina na si Peng Liyuan at sabi ni Franz: naku, huh, pakibaba nga kilay ko mama belle...
Mindy: problema baka sundan siya ng paparazi, hehehe...alam niyo naman mga paparazi, always on the go... Actually, kung hindi ako naging DJ, baka naging paparazzi ako kasi, sobrang insteresado ako sa mga kawili-wiling istorya tulad ng paano nag-ibigan sina bagong President Xi Jinping at First Lady Peng Liyuan. Oo po, nangako akong ibabahagi ko yan sa programa sa gabing ito. Pero, bago ito, kantang Just Give Me Reason na mula kay Pink …huwag kayo aalis, babalik ako mayamaya.
Si Mrs Peng ay isinilang sa isang pamilya ng mga local opera singer na naninirahan sa isang maliit na county. Noong bata pa, sinunod niya ang tatay at nanay na nagbyahe sa iba't ibang nayon para magtanghal kaya naman, tunahak din niya ang landas ng pagkanta. At sa edad na 22 taong gulang, siya ay naging popular na popular sa singer sa buong Tsina. One day, ipinakilala ng kaibigan ang isang lalaki kay Peng, isang pangalawang alkade ng isang maliit na lunsod sa silangang Tsina, ang family name ay Xi at 9 na taon ang tanda kaysa Peng. Sa simula, tumanggi si Peng dahil medyo malayo ang agwat nilang dalawa. Pero, sabi ng kaibigan na ang lalaking iyon ay napaka-magaling kaya sumang-ayon si Peng na tagpuin ang lalaki. Pero, para suriin at mas makilala ang lalaki, sinadyang nag suot si Peng ng di-usong damit, anong naganap na kasunod? Huwag magmadali, pakinggan muna natin ang kantang Wanderer na inawit ng Taiwanese singer na si Aska Yang.….
Noong araw nang pagtatagpo nina Xi at Peng, medyo disappointed si Peng, dahil para suriin ang lalaki, nagsuot siya ng isang di-usong damit , pero, noong nakita niya si Xi, napaka-di-uso ni Xi at mukhang napakatanda. Sinimulan nilangg mag-usap, nagbago ang isip ni Peng. Hindi tulad ng mga naunang ka-date na lalaki, hindi tinanong ni Xi ang kanyang appearance fee at pinaka-popular na kanta sa kasalukuyan. On the contrary, mas interesado siya sa propesyonal na kaalaman ng musika. At hanggang maraming taong na ang nakalipas, sabi ni Xi kay Peng na actually, noong unang nakita niya si Peng, ipinalalagay na ni Xi na si Mrs Peng ay kanyang makakasama habang buhay. Pero, hindi naging maalwan ang pag-unlad ng kanilang relationship, dahil ang tatay ni Xi ay dating Ministro ng Impormasyon at ayaw ng tatay at nanay ni Peng na magpakasal ang anak sa lalaking isinilang sa pamilya ng mataas na opisyal. Pero, sinabi ni Xi kay Peng na anak ng karaniwang tao naman ang tatay ko at nagpakasal ang lahat ng kapatid ko sa karaniwang babae. Sa bandang huli, pagkaraan ng kalahating taong na pagkakakilala, lumipat si Mrs Peng sa lunsod na tinitirahan ni Xi at idinaos ang simpleng seremonya ng kanilang kasal doon. Music time muli, kantang Bakit Ngayon na handog ni Julie Anne San Jose.
Dahil pawang abalang-abalang sina Xi at Peng, hindi sila madalas na nagkakasama, pero, laging nasa isip sila ng isa't isa. Halimbawa, napakalamig ng panahon sa katimugan ng Tsina sa taglamig at dahil napakataas ni Xi, hindi kayang bilhin ang saktong kubrekama para kay Xi sa mga tindahan. Kaya ipinasiya ni Peng na gumawa ng isang kubrekama para kay Xi. Pero, kailangang magperform siya sa iba't ibang lugar, kaya, dinala niya ang cotton at cloth sa kanyang luggage at sinamantala ang lahat ng panahon ng pagpapahinga para gumawa ng quilt. Noong pinagmasdan siya ng dalawang fans, sabi nila kay Peng, ikaw si Peng Liyuan, pero, imposibleng dinala mo ang kubrekama sa performance. At bagama't hindi mahusay si Xi sa pagpapakita ng damdamin, laging dala ni Xi ang isang music player para mapakinggan ang mga kantang inawit ni Peng.
Sabi minsan ni Peng na ang pamilya ay backer at habor ng isang babae, ang pamilya ko tulad ng mga pamilya sa Tsina ay isang karaniwan at masayang pamilya.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-11 2013
Pop China Ika-10 2013
Pop China Ika-9 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |