Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-41 2013

(GMT+08:00) 2013-11-13 16:45:00       CRI

Kumusta ang inyong All Saints' Day at All Souls' Day? Sana, samantalang ipinagdarasal natin ang ating mga yumao, maalala din natin ang mga biktima ng lindol sa Cebu at Bohol. Kahit malayo ako sa lugar nila, nararamdaman ko ang kanilang nararamdaman. At, sa ngalan ng Serbisyo Filipino, gusto kong ipaabot ang taos-puso kong pakikiramay sa mga nasugatan at sa mga kamag-anakan ng mga nasawi.

Balik sa ating programa. Kapag nababanggit ang libingan o cemetery, ang pumapasok sa isip natin ay lugar na madilim, seryoso at malamig. Pero, alam ba ninyo kung nasaan ang pinakamasayang libingan sa buong daigdig at iyong libingang nabisita ng pinakamaraming tao? Sa ating bagong episode ng Top 10 Series, samahan ang inyong sweetest DJ Sissi, sa kanyang pag-iikot sa 10 pinakaespesyal na libingan.

Pinamalaking libingan-Ang libingan ni Emperor Qin shihuang. Nitong 1800 taong nakalilipas, para maipagpatuloy ang kanyang pamamahala kahit na siya ay sumakabilang buhay na, iniutos ni Emperor Qin shihuang ang paggawa ng kanyang libingan na may mahigit 8000 man-size na terra cotta "soldiers", 40 libong piraso ng sandata, lunsod na may palasyo, ilog at bundok sa ilalim ng lupa. Gumamit ito ng 200 libong tao at umabot sa 38 taon ang konstruksiyon. At ayon sa pagsusuri ng mga archaeologist, umabot sa 56 kilometrong kubiko ang kauubang libingan ni Qinshihuang na naging pinakamalaki sa buong daigdig.

Libingan na nadalaw na pinakamaraming beses-Ang libingan ni Shakespear. Yumao si William Shakespeare noong 1616 sa gulang na 52. Sa kanyang libingan na sa Trinita dei Monti ng London ay may isang batong epitaph na si Shakepeare mismo ang nag-ukit. Ganito ang nakaukit sa bato: Good friend, for Jesus' sake forbear,To dig the dust enclosed here,Belest be the men that spares these bones, And curst be he that moves my bones. Umaabot sa 800 milyong person-time ang taunang bilang ng mga taong nakabisita sa libingang ito na tinanghal na, sa buong mundo, libingan na nabisita ng pinakamaraming tao. Pero, tingnan natin, baka sa malapit na hinaharap, malampasan ang record na ito ng libingan ni Micheal Jackson.

Pinakamagandang Libingan- Taj Mahal ng India. Ang taj Mahal ay ipinagawa ni Mughal emperor Shah Jahan bilang paggunita sa kanyang pinakamamahal na asawa na si Mumtaz Mahal, na namatay noong isilang nito ang kanilang ika-14 na anak na babae. Ang buong arkitektura ay ginawa, pangunahin na, sa puting marmol kasama ng salamin, agate, cystal, jade, coral at malachite at dahil sa puting kulay nito, isang araw, kasunod ng pagbabago ng liwanag na nagbubuhat sa araw, naging ibang iba ang tanawin. Perpektong pinag-uugnay nito ang istilong Perisan at earlier Mughal at kumakatawan sa pinakamataas na lebel na arkitekturang Islamiko. Sa tulong ng kantang, magbibigay tayo ng galang sa nasabing spoony hari.

Pinakamahiwagang Libingan-Hufu Pyramids ng Ehipto. Walumpung piramide ang itinayo sa kaibabaang bahagi ng Ilog Nile. Ang mga piramideng ito ay libingan ng mga hari noong panahon ng sinaunang Ehipito at palatandaan ng dakila at masaganang sibilisasyon ng panahong iyon. Sa lahat ng mga piramideng ito, ang pinakamahiwaga ay ang piramede ni Khufu. Halimbawa, umaabot sa 60 milyong tonelada ang bigat ng piramede ni Khufu, at ang bigat ng ating mundo ay 10 to the power of 15 ulit kumpara rito, at ang taas nito kung by billion ay katumbas ng distansiya sa pagitan ng mundo at araw.

Libingan ng mga eroplano- The Boneyard. Kung talagang lumang-luma na at hindi na talaga maaring lumipad o nangangailan ng malakihang pagkukumpuni ang isang eroplano ng US Air force, ang mga ito ay ipinadadala sa 309th Aerospace Maintenance and Regeneration Group (AMARG) o The Boneyard sa Tucson, Arizona. Doon, muling lumilipad sa langit ang mga nasirang eroplano. At para doon sa mga hindi na kayang lumipad, ang mga ito ay kinakanibal at ang mga piyesang puwede pang gamitin ay ginagamit sa pagkukumpuni ng ibang eroplano. Pagkaraan ng mahabang panahon, ang lugar na ito ay naging isang libingan ng mga eroplano.

Libingan ng mga bapor- Nouadhibou Bay. Sa Nouadhibou Bay ng Mauritania ay may libingan ng mahigit 300 bapor. Tumatanggap ang mga opisyal na lokal ng suhol mula sa mga may-ari ng bapor at pinahihintulutan silang iwanan ang kanilang mga bapor sa lugar na ito. Ang Nouadhibou ay isa sa mga pinakamahirap na lunsod sa buong daigdig at ang mga residente nito ay naninirahan sa mga abandonadong bapor.

Libingan ng mga gulong na goma-Sa karaniwan, puwedeng tumakbo ang isang gulong ng 20 libong milya at pagkaraang hindi na sila pwedeng gumulong saan sila dapat pumunta? Sa Sulaibiya district ng Kuwait city, may isang landfill na tinatawag na pinakamalaking libingan ng mga gulong na goma sa buong daigdig. Mahigit 7 milyon ang bilang ng mga abandong goma doon. Ganoon karami ang mga gulong na ito kaya't puwede itong pagmasdan mula sa kalawakan. Siyempre, hindi tama ang kagawiang ito at ang pinakamagandang magagawa ay i-recycle ang mga gulong na ito. Puwedeng i-recycle ang gulong na goma, pero hindi mairiri-cycle ang love; kaya, paulit-ulit na ipahayag ang inyong damdamin sa inyong minamahal sa sariwang paraan. Iniriri-commend ko sa inyo ang kantang…

Pinakamasayang libingan- Cimitirul Vesel: sa mabigat na krus, pangmalayuang nagtutulog ang aking biyenang babae, kung buhayin niya nang iba pang 300 araw, dapat ako'y pangmatagalang nagtutulog dito. Sa bayang Maramure ng Romania, may isang libingan na tinatawag na Cimitirul Vesel o Merry Cemetery. Ang lahat ng mga nitso ay napipinturahan ng makukulay na pintura at pawang nakakatawa ang mga epitaph na tulad ng nabanggit sa itaas na isinulat ng isang manugang na lalaki para sa kanyang biyanang babae. Ito ay isang libingan na kung saan puwede kayong tumawa nang tumawa na walang pangamba kung itataboy kayo ng bantay ng libingan.

Libingan na may pinakamaraming celebrity-: Cemetery of Père-Lachaise. Noong 1804, nabili ng munisipalidad ng Paris ang estate ni Padre Père-Lachaise at ginawa itong isang libingan. Dahil ito ay matatagpuan sa labas ng lunsod at sa simula ay mahirap na gamitin ng mga mamamayan, para mabago ang kalagayang ito, inilipat ng munisipyo dito ang libingan ng ilang celebrity. Sa paglipas ng panahon umabot sa 30 libo ang bilang ng mga nitso. Hanggang sa kasalukuyan, mga 300 libo na ang nakalibing ditto na kinabibilangan nina Oscar Wilde, Moliere Molière, Balzac, Chopin, Bizet, leading vocalist Jim Morrison ng bandang the doors, dancer na Amerikano na si Isadora Duncan at iba pa.

Family cemetery na may pinakamahabang kasaysayan- ang libingan ng pamilya ni Confucius: Last but not least, tingan natin ang family cemetery na may pinakamahabang kasaysayan, ito ang libingan ng pamilya ni Confucius. Dahil sa espesyal na katayuan ni Confucius, bagama't nagbabago ang panahon at sinusunod ang mga dynasty, nananatiling ligtas at matahimik ang libingan ni Confucious. Hanggang sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 2500 taon ang kasaysayan nito.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-40 2013 2013-10-28 18:09:08
v Pop China Ika-39 2013 2013-10-21 18:01:05
v Pop China Ika-38 2013 2013-10-14 17:09:55
v Pop China Ika-37 2013 2013-10-09 15:56:14
v Pop China Ika-36 2013 2013-10-02 16:44:13
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>