Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-42 2013

(GMT+08:00) 2013-11-13 17:18:57       CRI

Isa sa mga bagay na ipinagkaiba nating mga tao sa hayop ay ang pagkakaroon natin ng sense of competition. Sa totoo lang, ito ay dahil pagkaraan ng ilampung libong taong pakikibaka sa ibang hayop, matagumpay na umakyat tayo sa tugatog ng biological chain at naging punong abala ng mundo. Pero, sa ating bagong episode ng Top 10 Series, tutunghayan ni Sissi ang sampung pinakawirdong kompetisyon sa buong daigdig na walang kinalaman sa pagpili ng kalikasan, kundi isa lang magandang paraan ng paglilibang.

10. Wife Carrying sa Sonkajarvi, Finland – Taun-taon, idinaraos dito ang pandaigdigang kompetisyon sa pagkarga ng asawa. Dapat kargahin ng lalaki ang kanyang asawa at tumakbo sa daanang maraming hadlang, at ang mananalo ay makakapag-uwi ng beer na ang dami ay kasimbigat ng kanyang asawa. Ang kasalukuyang world record holder ay isang couple mula sa Finland, na gumugol lamang ng 1 minutes 7 seconds para makober ang 250.3 metrong track na may sand, grassland, puddle at iba pa.

9. World Gurning Championship - Noong taong 1267, sinimulan sa western Cumbria, Britanya, ang isang kawili-wiling kompetisyon na tinawag nilang "gurning contest." Sabi nila ito ay pinagagalingan (o nagmula) sa contorted facial expression kapag kumakain ng crab apple, isang kilalang produktong lokal. Dapat magsuot ang mga kalahok ng isang horse collar, tapos gumawa ng wirdong facial expression. Isang 65 taong gulang na babaeng Britaniko ang 27 beses na nanalo sa contest na ito, at siya ang tinanghal na pinakapangit na babae sa buong mundo at siya ay natala sa Guinness Book of World Records.

8. World Pea Shooting Championship - Sa Britanya pa rin, sa isang nayong tinatawag na Witcham. Noong tanong 1972, para makalikom ng pera para sa pagpapakumpuni ng local meeting hall, nagdaos ang mga mamamayang lokal ng pea shooting championship. Sa tulong ng isang 30.5 cm na baril, itutudla ng mga competitor ang peas sa soft putty target na mga 3.7 metro ang layo. Hanggang sa kasalukuyan, nakahikayat na ang kompetisyong ito ng mga kalahok mula sa buong daigdig at sinimulan na ring gamitin ang laser-guided guns at home-made pea machine guns.

7. The World Beard and Moustache Championships - Kamakailan, matagumpay na natapos ang 2013 World Beard and Moustache Championships na idinaos sa Leinfelden-Echterdingen, Germany. Mga 200 kalahok mula sa mahigit 20 bansa ang lumahok sa nasabing kompetisyong may mahigit 110 taong kasaysayan. Sa palagay ng mga kalahok, para ring buhok, dapat maging iba't iba ang istilo ng mga bigote at balbas. Alam ba ninyo na maraming porma ang bigote at balbas? Mayroong Natural, English, Dali, Imperial, Hungarian, Freestyle, etc…

6, Nettle-eating Championships - Siguradong pamilyar na pamilyar kayo sa kompetisyon sa pag-inom ng beer, pagkain ng hamburger, na kung saan ay sinusukat ang kakayahan sa dami ng malalagok at malulunok ng mga kalahok. Pero sa kompetisyon sa pagkain ng nettles na idinaraos sa Dorset ng Britanya ang nasusukat ay endurance ng mga kalahok dahil mapait na mapait at astringent ang nettle, pero, kailangang kumain ang mga kalahok ng nettle sa loon ng isang oras sa tulong lamang ng applejack

5 Air Guitar World Championships - Noong 1970s, kasunod ng paglaganap ng metallic rock at rock and roll, naging popular na popular din ang air guitar performance. Sa saliw ng malakas na musika, nagkukunwaring tumutugtog ng gitara ang performers na may kasamang exaggerated actions. At sa taunang air guitar world championship, dapat dumaan sa dalawang round ng pagsubok ang mga kalahok: 1 minuto na freestyle at 1 minuto na performance sa saliw ng assigned music.

4. Rock Paper Scissors World Championship-No one knows, kung who invent the game na Rock Paper at Scissors. Pero, naging popular na popular ito sa buong daigdig at sa taunang Rock Paper Scissors World Championship na idinaos sa Estados Unidos, ang winner, puwedeng kuhain ang 5 libong USD. Ayon sa mga tagapag-organisa, ito ang pinakamapayapa at pinakademokratikong paligsahan at umaasa silang pasusulungin ito na ilakip sa Olympic Games.

3, Cheese Rolling Competition-Tuwing taglagas, sinasalubong ng Cooper Brockworth sa timog kanluran ng England ang ilampung big fans ng cheese. Tumakbo ang mga competitor sa ibabaw ng isang 8 pounds na dry cheese sa slope na umaabot sa 45 degrees. Labis na maalinsangan at matarik na matarik ang steep, kaya madalas na nakikitang nagtatalunan ang ilang kalahok from the top, grabeng nasugatan at boluntaryong umuurong mula sa paligsahan.

2, Dead wall racing - Mga competitor, please fasten your seat belt; at mga manonood, please hold your breath; dahil ang dead wall racing ay isang pakikibaka sa pagitan ng sangkatauhan at mundo. Ang dead wall, sa katunayan, ay isang malaking barrel, minamaneho ng competitor ang kanyang kotse at patatakbuhi niya ito sa gilid ng bariles at samantalang pigil ng mga manonood ang kanilang hininga, mukhang relaks na relaks naman ang mga kalahok. Lumalabas sila sa cab, maninigarilyo at kakaway sa audience.

1, Extreme Ironing - Kung ikaw ay isang extreme activity enthusiast, pero, tutol naman dito ang asawa o girlfriend mo, maaring subukin mo ang extreme ironing. Sa world extreme ironing competition, kailangang mamalantsa ang competitor ng T-Shirts sa ituktok ng bundok, sa tabi ng cliff, sa ilalim ng dagat o sa ibabaw ng waterfall. Iyong makakapamalantsa ng pinakamaraming T-shirts sa loob ng isang oras ang mananalo.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-41 2013 2013-11-13 16:45:00
v Pop China Ika-40 2013 2013-10-28 18:09:08
v Pop China Ika-39 2013 2013-10-21 18:01:05
v Pop China Ika-38 2013 2013-10-14 17:09:55
v Pop China Ika-37 2013 2013-10-09 15:56:14
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>