|
||||||||
|
||
popchina20131119
|
Mga kaibigan dito sa Beijing, gusto ba ninyong matuto ng wikang Tsino at makatulong sa mga biktima ni bagyong Yolanda? Bumili lamang ng diksyunaryong Tsino-Pilipino. Sa halagang 100RMB, makakatulong ka na, matututo ka pa.
Kung interesado kayo, tumawag lang sa numero 8618611359488 para makakuha ng kopya. at sa susunod na Miyerkules naman, idaraos ng Serbisyo Filipino ang Charity Bazaar sa harap ng CRI canteen. Bukod sa dictionary, magbebenta rin kami ng postcards, Philippine souvenir items at food items na kaloob ng Liwayway Marketing, tagagawa ng Oishi products.
Ang lahat ng makakalap na pondo mula sa benta ay ipapadala sa mga ahensya o organisasyon na itinalaga ng Pamahalaan ng Pilipinas para siyang tumanggap ng mga donasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ang karagdagang detalye hinggil sa pagpapadala ng donasyon ay makikita sa aming website na filipino.cri.cn.
Maraming salamat po sa inyong suporta. Mabuhay!
Sa bagong episode ng ating Top 10 Series, samahan ninyo ang inyong sincere DJ Sissi, sa kanyang pagbisita sa 10 pinakawirdong babae sa buong daigdig.
1, Babae na may pinakamaliit na baywang-Unang una, punta tayo sa Estados Unidos at katagpuin si Cathie Jung na may pinakamaliit na baywang sa buong daigdig. Ang kanyang baywang ay may sukat lamang na 38.1 centmetro kapag nakasuot ng corset. Noong bata pa, si Cathie ay isang model at pagkaraang isilang ang dalawang anak, sinimulan niyang magsikap para mapanatili at mapaliit pa ang kanyang baywang. Nitong mahigit 20 taong nakalipas, nagsusuot siya ng corset 7 days 24 hours-- and it's because her husband loves her to do so.
2, Babae na may pinakamahabang buhok-Si Ginoong (o ginang) Xie Qiuping ay isang shopping assistant na namumuhay sa Probinsyang Guangxi sa katimugan ng Tsina. Siya may pinakamahabang buhok sa daigdig. Mula noong bata pa, natuklasan ng mga kapamilya ni Ginang Xie na napakabilis humaba ng buhok niya at mula noong siya ay 13 taong gulang, hindi pa siya nagpaputol ng buhok. Noong unang pinagtuunan siya ng pansin ng Guinness Book of World Records noong taong 1994, umabot na sa 3.8 metro ang kanyang buhok at makaraan ang 10 taon, noong 2005, lumampas na sa 5.5 metro ang kanyang buhok. Sabi ni Xie nangangailangan daw ng dalawang oras para hugasan ang kanyang buhok.
3. Babae na may pinakamaraming tattoo-Si Julia Gnuse, o more well-known as the illustrated lady, ay isinilang na may sakit na porphyria na kung alin, maaring magpaltos at magpeklat ang balat ng maysakit kung ma-e-expose sa araw. Kaya, para matakpan ang kanyang mga peklat, sinimulan niyang magpatato. At nitong 10 taong nakalipas, naging addicted siya sa tato at 95% na ng kanyang balat ang may tato, at siya ay inilakip sa Guinness Book of World Records bilang most tattooed woman sa buong daigdig. Ok, break muna tayo at mapakinggan ang kantang alaala na ibinigay ni Z-Chen.
4. Pinakamataas na babae – Ang size ng kanyang sapatos ay 78; ang bigat, 440 pounds; ang taas, 7ft 8in. Si Yao Defeng mula sa probinsyang Anhui, sa silangan ng Tsina ay ang pinakamataas na babae sa daigdig na natala sa Guinness Book of World Records. Isinilang noong 1972, dahil sa isang tumour sa kanyang pituitary galand, siya ay may sakit na gigantism. Umabot na sa 2 metro ang taas ni Yao noong siya ay 15 taong gulang. at sa wakas, dahil din sa tumour, namatay siya noong isang taong sa gulang na 42.
5.Pinakamaliit na babae - Noong ika-16 ng Disyembre ng taong 2011, sa kanyang kaarawan, opisyal na ipinatalastas ng Guinness Book of Records na si Jyoti Amge mula sa Indya ay ang bagong winner ng "Pinakamaliit na Babae sa Buong Daigdig," sa kanyang taas na 2ft 0.6 in o 62.8 cm. Napag-alamang, lumaki nang 1 cm pababa si Jyoti nitong 2 taong nakalipas at hindi lalaki sa hinaharap dahil sa isang sakit na tinatawag na achondroplasia. Pero, ayon kay Jyoti, ang pangarap niya ay maging isang artista.
6. Pinakamalambot na babae-Isang araw, natuklasan ng nanay ni Norkulunga Buthelezi na natutulog ang kanyang 3-taong-gulang na baby girl na ang mga binti ay nasa likod ng ulo at ang mga kamay nasa likod. Iniisip ng nanay ni Norkulunga na baka may sakit ang kanyang anak; pero, ngayon, sa halip na maratay sa hospital, aktibo na aktibo si Norkulunga sa arena ng circus bilang pinakamalambot na babae sa buong daigdig at siya ay tinaguriang "snake girl."
7. Most Pierced Woman – Kababanggit lang natin kay Julia Gnuse, addicted sa tattooing at 95% ng balat ay may tato. May isa pang babae na addicted din tulad ni Julia. Siya ay si Elaine Davidson na mas adik pa kumpara kay Julia, kasi, noong taong 2001, sa pagsusuri ng Guinness Book of World Records, siya ay may 720 argolya sa katawan, at sa taong 2005, umabot na sa 3,950 ang bilang na ito. Noong 2009, ito ay umabot sa 6005; at noong 2012, lumampas sa 9000. Pero, noong 2011, ikinasal sila ng isang lalaki with no piercings.
8. Babaeng may pinakamahabang dila-Si Chanel Tapper ay isang full time student na kalilipat lamang sa Houston, Texas. Noong siya ay 8 taong gulang, noong kunan siya ng litrato ng kanyang nanay para sa Halloween, nakita ni Chanel na medyong mahaba ang kanyang dila sa isang litrato na kung saan nakalabas ang kanyang dila. Pagkaraang ma-publisize ang litratong ito sa kanyang paaralan, agarang nakatawag ng malaking pansin ang kanyang dila. Sa katotohanan, umabot sa 9.75 cm (3.8 in) ang haba ng dila ni Chanel na mga 2 ulit kumpara sa karaniwang tao. Parang isang lizard.
9. Babaeng may pinakamahabang kuko-Ang babae na may pinakamahabang kuko sa buong daigdig ay si Lee Redmond. Mula noong taong 1979, hindi niya ginugupit ang kanyang kuko at mataimtim na pinag-iingatan bawat araw. Umabot sa 8.56 metro ang kabuuang haba ng lahat ng kanyang kuko. Pero, ang mas higit na weirdo ay siya ay isang hair stylist sa isang beauty salon. Paano niya ginagawa ang kanyang trabaho.
10. Babaeng pinakamabilis magsalita-Maraming title si Fran Capo: stand-up commedian, motivational speaker, 18 time author, spokesperson, TV host, comedy producer. Pero, mas kilala siya bilang 6 time world record holder ng Guinness Book of World Records na fastest talking female . Makakausal siya ng 603.32 salita sa loob ng 53.2 segundo, na 10 ulit mas mabilis kumpara sa karaniwang tao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |