|
||||||||
|
||
Abalang abalang kamakailan ang mga drama fan, kasunod ng pagpalabas ng drama series na "Descendants of the Sun" ng KBS2 tuwing Miyerkules at Huwebes ng gabi. Marami ang nag-fall-in-love sa isang napakaguwapong sundalo, na si Captain na Yoo Si Jin na ginagampanan ni Song Joong Ki at sa feisty doctor na si Kang Mo-yeon papel na ginagampanan ni Song Hye Kyo.
At ngayong gabi, sa saliw ng mga OST nito, ibabahagi natin ang mga kawili-wiling balita sa loob hinggil sa hit drama thats creating a buzz not only in Korea but in many countries across Asia. .
Ayon sa estadistika, noong ipalabas ang first episode ng Descendants of the Sun noong ika-24 ng Pebrero, umabot sa 14.3% ang viewiership ratings nito base a nationwide survey ng AGB Nielson .
At pagkaraan ng walong episodes, umabot ang numerong ito sa 28.8% na naging bagong record sa kasaysayan ng Korean TV drama. Nauna rito, ang pinakamataas na tarings ay hawak ng You Who Came From the Stars na umabot sa 27.2% ang TV ratings ng last episode nito. At dahil dito, ready ba kayong makipagpustahan sa akin... bet ko, tiyak na lalampas sa 30% ang ratings ng Descendants of the Sun. Let's wait and see.
Isang pang may kinalamang balita, dahil ang production company ng Descendants of teh Sun ay nakakuha ng deal with iQiyi-isang napakalaking video website ng Tsina, nang natapos ang buong production ng drama, ibinenta ng panig Korean ang broadcast rights sa Iqiyi sa halagang 230 thousand USD bawat episode. Sobrang matagumpay ang drama production na ito. ayon sa media, lumampas sa 400 milyon ang viewsng unang walong episode at nakaakit ng 1 milyong bagong rehistrong miyembro para sa Iqiyi.
Samantala, dahil sa pagiging hit ng drama sa China, Singapore at iba pang bansa sa labas ng Korea, nabawi na ng production company ang 30% ng production cost ng drama.
Sa drama, napakacool at talented ni Captain Yoo o Big Boss na ginagampanan ni Song Joong Ki. Bagay sa kanyan ang uniform ng isang Korean soldier na team leader ng UN Peacekeeping Forces sa Urk. May earpiece, battle ready gear at marunong ng Korean, English at Urk. Sa drama na kaya niyang magmaheno ng kotse at speed boat. Sa kanyang leisure time, suot niya ang branded shoes, designer shorts na 500 USD ang presyo.
Sa isang eksena napurnada ang kanilang date di Dr. Kang dahil ipinatawag siya ng HQ para sa isang misyon. Bongga dahil isang chopper ang sumundo sa kanya. Ang buong drama ay naging isang napakatagumpay na commercial para sa tropang militar ng Timog Korea
Pero, ayon sa ulat ng mass media, hindi mataas ang kita ng nakararaming sundalo ng Timog Korea, sa karaniwan, umaabot sa halos 30 libong USD lang bawat taon. Kahit tulad ni Captain Yoo Si Jin sa Descendants of the Sun matapos ang mahigit sampung taong panunungkulan, baka ang sweldo niya ay umabot lang sa 38 libong USD bawat taon. Kung isasa-alang-alang ang subsidy na ibinibigay sa espesyal na grupong nagserbisyo sa bansang dayuhan, baka umabot sa 40-50 libong USD bawat taon.Ito ay base sa interview ng Korean media sa isang tunay na Korean enlisted military personnel.
Bukod dito, ayon sa media ng Timog Korea, sa real life, hindi ipinapadala ang helicopter para mag pick up ng isang low-reanked military officer. Sa Timog Korea, puwedeng gamitin ang helicopter ng mga general sa malaking military exercise lamang. at kung lumabag sa kautusan ang isang sundalo, kailangang tanggapin niya ang paghatol mula sa hukumang militar, 2 taong pagka bilanggo o parusang pinansiyal. Pero, ang mga military officer tulad ni Yoo Shi Jin, puwedeng lumabas nang malaya.
At siguro pagkatapos ng dramang ito, si Song Joong Ki. ay magiging bagong super idol sa buong Asya, at ayon sa pinakahuling balita, lumaki nang 10 ulit ang halaga ng talent fee niya sa mga commercial. Napag-alamang, kung gustong anyayahan siya bilang speaker, sa Hong Kong, kailangang bayaran siya ng 583 libong USD, sa Timog Korea, kailangang bayaran ang mahigit 667 libong USD at sa mainland Tsina, kailangan bayaran ang 830 libong USD kapareho ng worth nina Lee Min Ho at Kim Soo Hyun.
Bukod kay Yoo Si Jin, natanggap rin ni Kang Mo-yeon ang mainit na pagtanggap mula sa mga fans. Ang role na ito ay ginagampanan Song Hye Kyo, 35 taong gulang na, pero nananatiling 18 ang appearance niya at dahil sa kanyang magaling na pagganap naging prepekto ang imahe ni Dr. Kang sa screen. Pero, nananatiling talakayan ng mga netizen kung anong klaseng doctor si Dr. Kang dahil isabalikat niya ang halos lahat ng tungkulin gaya ng orthopaedics, internal medicine, cerebral surgery? Kayang kaya niya ang lahat ng aspekto maging ang falling in love.
I hope you guys are enjoying Descendants of the Sun as much as I do... may 8 more episodes to go and lets see kung saan hahantong ang love story ni Big Boss at ni Beauty.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |