|
||||||||
|
||
melo
|
Newsbreak:
MULA sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas at Palasyo Malacanang, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na layunin niyang dumalo sa China-ASEAN Expo sa Nanning sa Tsina sa darating na Setyembre. Subalit wala pang kumpirmasyon kung makadadalo nga siya sa pagtitipong taun-taong ginagawa sa Tsina.
Pakikipag-usap sa Tsina napapanahon
NGAYON nararapat masimulang-muli ang pakikipag-usap sa bansang Tsina ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito'y sapagkat nagpapakita na ng kaluwagan ang Tsina sa paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan sa mga bansang tulad ng Pilipinas.
Ayon kay Ateneo Professor Richard Javad Heydarian, isang foreign policy analyst, sa paghirang kay Foreign Minister Wang Yi, nakikita ang pagbibigay-pansin ng Tsina sa pakikipagmabutihang-loob ngayon sa mga kalapit bansa. Anang propesor, isang dalubhasa sa mga nagaganap sa Asia si Minister Wang.
NGAYON NA NARARAPAT MAG-USAP ANG ASEAN AT TSINA. Sinabi ni Ateneo Professor Richard Javad Heydarian na napapanahon ang pag-uusap ng ASEAN at Tsina sapagkat isang dalubhasa sa Asia ang hinirang na Foreign Minister, si Minister Wang Yi. Mahalaga ang pagkakataong ito, dagdag pa ng propesor. (Larawan ni Melo Acuna)
Hindi mababale-wala ang Tsina sa mga nagaganap ngayon sa ASEAN, dagdag pa ni Professor Heydarian. Kung magpapatumpik-tumpik ang mga bansang kabilang sa ASEAN, higit na lalala ang problema ng kani-kanilang mga bansa. Ang anumang 'di pagkakaunawaan sa South China Sea, higit na apektado ang mga kalakal ng mga bansang tulad ng Pilipinas.
Ang Tsina ang pinakamalaking pamilihan ng mga bansang kabilang sa ASEAN. Mahalagang strategic partner ang Tsina. Ang halos lahat ng bansa sa ASEAN ay nakikipagkalakal sa Tsina na siyang infrastructure developer at pinagmumulan ng mababang interest na pautang. Binalikat ng Tsina ang naiwan sa ekonomiya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |