|
||||||||
|
||
Pag-uusap ng Pilipinas at America hinggil sa pagdaragdag ng mga kawal Amerikano, nagsimula na kanina
NAGSIMULA na ang pagpupulong sa pagitan ng mga Americano at Pilipino upang talakayin ang posibilidad na madagdagan ang mga kawal Americano na dadalaw sa Pilipinas.
Sa panig ng Estados Unidos, dumating sina US Department of State Ambassador Eric John ang senior advisor para sa Security Negotiations and Agreements ng Bureau of Political-Military Affairs, US Department of Defense Brig. General Joaquin Malavet ng Office of the Secretary of Defense ng America, Elizabeth Jones, Attorney Advisor ng US Department of State at iba pang mga kasama.
PAGPUPULONG SINIMULAN NA. Makikita sa larawan si Philippine Chief Negotiator Carlos Sorreta, pang-apat mula sa kaliwa, na nagsimula ng pakikipag-usap kina Ambassador Eric John, pang-lima mula sa kanan, sa Kagawaran ng Tanggulang Pambansa sa Campo Aquinaldo kaninang umaga. (FOCAP Pooled Photo)
Kabilang sa paksang pinag-uusapan nila ay ang pagtulong ng Estados Unidos sa Pilipinas na magkaroon ng makabagong sandatahang lakas. Bukas ng umaga umaasa ang magkabilang-panig na makakapag bigay ng update sa mga mamamahayag sa kinalabasan ng kanilang pagpupulong ngayon.
NAGDAUPANG-PALAD ANG MGA NEGOSYADOR NG PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS. Nagkatagpo sina Department of National Defense Undersecretary for Legal and Legislative Affairs Pio Lorenzo Batino at US Department of State Ambassador Eric John, Senior Advisor for Security Negotiations and Agreements Bureau of Political-Military Affairs sa pagsisimula ng kanilang pulong sa Campo Aguinaldo kaninang umaga. Pinaguusapan nila ang panukalang pagdaragdag ng mga kawal Amerikano na dadalaw sa Pilipinas. (FOCAP Pooled Photo)
Sa panig ng Pilipinas, kabilang sa mga negosyador sina Philippine Chief Negotiator Carlos Sorreta, Undersecretary Pio Lorenzo Batino, Justice UndersecretaryFrancisco F. Baraan.
Magkakaroon umano ng apat na pagpupulong ang magkabilang-panig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |