|
||||||||
|
||
Bidders para sa P 60 bilyong LRT Extension, magsusumite ng technical at financial proposals bukas
NAKATAKDANG isumite ng mga interesadong lumahok sa kauna-unahang Public-Private Partnership project na nagkakahalaga ng P 60 bilyon para sa LRT Line 1 – Cavite Extension Project sa tanggapan ng Light Rail Transit Authority bukas.
Ayon sa tagapagsalita ng Department of Transportation and Communications na si Michael Arthur Sagcal, isang malaking pagkakataon ito upang higit na mapaganda ang LRT system at mapakinabangan ng mga mamamayan.
Sa ginawang pre-qualification noong nakalipas na taon, apat ang pumasa sa subasta at ang mga ito ay ang Ayala at Metro pacific Light Rail Manila Consortium, and SMC Infra Resources, Inc; DMCI Holdings, Inc. ng mga Consunji at ang MTD – Samsung Consortium ng Malaysia at Korea.
Sa kanilang pagsusumite, bubuksan ang mga technical proposal ng DOTC-LRTA Special Bids and Awards Committee na magkakaroon gn 30 araw na pag-aralan ang mga bid. Sa pagkatapos nito, bubuksan naman at pag-aaralan ang financial proposals ng mga budder na makakapasa sa technical requirements para sa proyekto. Malalaman ang magwawaging bidder matapos ang 15 araw. Aabot ng 45 araw mula bukas upang mabatid ang nagwagi.
Hahaba ang linya ng LRT – 1 mula sa Baclaran hanggang sa bahagi ng Paranaque, Las Pinas at Cavite. Aabot ito ng 11.7 kilometro at mapapakinabangan ng may apat na milyong manananakay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |