Melo CAEXPO baha Metro Manila
|
TUMAAS ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng M/V St. Thomas Aquinas noong nakalipas na Biyernes ng gabi. Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard sa kanilang website, 52 na ang labing natagpuan ng mga maninisid mula sa Philippine Coast Guard, Philippine Navy at Philippine Coast Guard Auxiliary.
Animnapu't walo (68) pa ang nawawala hanggang kaninang bago nag-alas onse ng umaga. Nailigtas na ang 750 pasahero ng roll on-roll off na lumubog matapos mabangga ng cargo ship na pag-aari ng Sulpicio Lines.
Sa panig ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta, abogada ng mga biktima ng lumubog ng M/V Princess of the Stars noong ika-24 ng Hunyo 2009, kung hihingi ng tulong ang pamilya ng mga biktima ay handa ang Public Attorney's Office para sa mga payong legal at iba pang legal services.
1 2 3 4 5