Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bilang ng nasawi sa paglubog ng ro-ro: 52 na

(GMT+08:00) 2013-08-19 17:48:28       CRI

Human trafficking, magpapatuloy pa rin

KAHIRAPAN ANG NAGTUTULAK SA MGA PILIPINO SA HUMAN SMUGGLING SYNDICATES.  Naniniwala si G. Ricardo Casco (kanan) ng International Organization for Migration na ang kahirapan ang dahilan kaya may mga nabibitag ng mga sindikato sa human trafficking.  Ito ang kanyang pahayag base sa karanasan sa pakikipag-usap sa mga umuuwing manggagawa mula sa Syria.  Marami umanong hindi makasulat. (Melo Acuna)

BAGAMA'T mayroon nang batas na nagpapataw ng mabigat na parusa sa mga sangkot sa human trafficking, magpapatuloy pa rin ito sapagkat marami pa rin ang mahuhulog sa bitag ng human trafficking syndicates.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Ginoong Ricardo Casco, Labour Migration Specialist ng International Organization for Migration sa Pilipinas, na ang United Nations Office on Drugs and Crimes ay nagpahayag na pumapangalawa ang human trafficking sa illegal drug trade. Umaabot sa $32 bilyon ang maituturing na halaga ng kalakal ng human trafficking.

Inihalimbawa niya ang nagaganap sa mga manggagawa sa Syria na karamihan ay walang legal na papeles, may mga assumed names at walang katiyakan ang kanilang kapanganakan. Karamihan sa mga inililikas ng pamahalaan at ng International Organization for Migration ay pawang mga hindi nakakasulat.

Kailangan umanong pasiglahin ang kampanya upang mas maraming mga mamamayan ang magpaparehistro upang magkaroon ng mga tamang impormasyon sa kanilang mga pagkatao.

Ipinaliwanag pa ni G. Casco na sa mga lalawigan, sa oras na mahubog na ang katawan ng isang dalagita ay saka lamang pinakukuha ng kanilang birth certificates kaya't kahit 13 taong gulang pa lamang sa tunay na buhay, nag-iimbento ang mga human trafficking syndicates ng mga pangalan at petsa ng kapanganakan.

Mayroon ding pagkakataon na hindi ibinabalita o itinatala ang kamatayan ng isang tao sapagkat mayroon ding gumagamit ng kanyang pangalan. Mapipigilan umano ang human trafficking kung sakaling mas maraming mga kabataan ang makakapag-aral. Inamin ni G. Casco na ang kahirapan sa mga kanayunan ang nagtutulak sa mga mamamayang mangibang bansa.

Bibihira umano ang nagrereklamo sa mga tanggapan ng pamahalaan kung sila may mabiktima ng illegal recruiters sapagkat marami ang hindi nakakaalam ng mga paraan at detalyes ng pormal na reklamo sa hukuman. Nagaganap ang human trafficking sa mga malalayong pook kaya't maraming hindi na lamang nagrereklamo sa kinauukulan. Isang dahilan pa ay ang pagkakaroon ng push factors tulad ng lubhang kahirapan kaya't nagbabaka-sakaling gaganda ang buhay kahit pa sa sindikato dumaan ang kanilang mga trabaho.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>