Masdan ang mga kabataan, ang mga musmos, panawagan ni Bishop Bernardino Cortez
ANG mga kabataan ay maihahambing sa mga malilinis na papel, madaling sulatan sapagkat sila'y bukas at handang tumanggap ng mahahalagang impormasyon at handa ring matuto.
Ito ang mensahe ni Manila Auxiliary Bishop Bernardino Cortez sa mga laiko na matutuo sa mga kabataan, sa mga musmos na may busilak na puso at isipan.
Ang mga kabataan at mga musmos ay handang lumimot sa masasamang karanasan at handang magpatawad. Ang mga kabataan at mga musmos ay handang magbigay ng walang anumang kapalit na inaasahan. Ito ang bahagi ng kanyang mensahe sa recollection ng mga kabilang sa Katolikong Pinoy sa San Carlos Seminary sa Guadalupe, Makati City.
Ninanais ni Hesukristo na mahalintulad ang mga mananampalataya sa isang kabataan, sa isang musmos na may buong pagtitiwala sa Panginoon, dagdag pa ni Bishop Cortez.
1 2 3 4 5